Advertisers
INIHAYAG ni Labor Secretary Francis Tolentino na kanila parin itutuloy ang imbestigasyon laban kay Ateneo Blue Eagles coach Tab Baldwin.
Ito’y kahit pa nagbitiw ito bilang headcoach ng basketball team.
Ayon kay Tolentino, walang epekto ang resignation at tuloy parin ang imbestigasyon sa isyu ng Alien Employment Permit (AEP) requirement.
Aniya, tututok ang imbestigasyon kung naka-comply si Baldwin sa AEP makaraan ang pagkalunod ng dalawang basketball players ng Ateneo.
Giit pa ng kalihim, kailangan maipakita ni Baldwin ang kaniyang AEP at masiguro na wala itong nilabag sa naturang patakaran.
Matatandaan na binigyan ng hanggang June 25 si Baldwin para makita nito ang kaniyang AEP kungsaan maaari naman managot ang pamunuan ng Ateneo kung wala itong kaukulang dokumento para magtrabaho bilang coach ng basketnall team.