Advertisers

Advertisers

Panalong “IRISE UP” ng QC vs kalamidad, QCitizens makakampante na

0 16

Advertisers

Parangal mula Venice, Italy! Wow! Alam niyo naman na kapag nakakarinig tayo ng mga prestihiyosong parangal mula sa mga kilalang lugar tulad ng Venice, Italy, ang madalas na naiisip ay sining, mga film festival, o karangyaan.

Ngunit kamakailan lang, ginulunta ng Lungsod Quezon ang pandaigdigang entablado para sa isang bagay na panalangin ng bawat Pilipino – ang pagpapanatili ng kaligtasan ng buhay sa gitna ng baha at bagyo.

Hindi biro ang pagwawagi ng lungsod sa “Frontline Protection Award” sa ginanap na Venice Climate Week para sa proyektong “IRISE UP” . Sa pakikipagtulungan ng C40 Cities, kinilala ang QC bilang isang lider sa climate adaptation sa buong mundo. Sa mga karaniwang residente naman ng lungsod mula 142 barangay, ang parangal ay hindi lang basta palamuti o plake sa City Hall kundi ito ay patunay na ang lokal na pamahalaan ay unti-unti nang kumakalas sa lumang sistema ng pulitika at seryosong gumagamit ng makabagong teknolohiya para sa kaligtasan ng publiko.

Hindi naman lingid sa atin kaalaman na sa mahabang panahon, na sa tuwing may kalamidad sa Pilipinas, nandyan iyong hihintayin munang bumaha, magpapadala ng rubber boat para mag-rescue, at pagkatapos ay mamamahagi ng mga relief pack na may mukha o pangalan ng politiko.

Pero sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Joy Belmonte, pinatunayan ng Quezon City na nang baguhin ang nakasanayang estilong bulok.

Ipinapakita ng IRISE UP (Intelligent, Resilient, and Integrated Systems for the Urban Population) na ang pinakamabisang responde sa sakuna ay ang paghahanda bago pa man umabot ang baha sa pintuan ng mga bahay. Sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga automated weather station, flood sensors, at artificial intelligence (AI), ang masalimuot na weather data ay mabilis na naisasalin sa mga simple at localized na alerto para sa bawat komunidad.

Kahalagan ng maagang babala. Sa halip na pangkalahatang ulat-panahon na nag-iiwan sa mga tao sa hulaan, nagagawa na ngayon ng QCDRRMO na maglabas ng mga alertong saktong-sakto sa sitwasyon ng bawat lugar. Dahil dito, nagkakaroon ang mga opisyal ng barangay ng tamang impormasyon para magpatupad ng maayos na preemptive evacuation bago pa man maging huli ang lahat.

Sa pagkakapanalo sa “Frontline Protection” category, pinatunayan ng QC na ang pondo para sa teknolohiya ay direktang nakatutok sa pagprotekta sa mga mamamayang walang sapat na kakayahang bumangon agad matapos ang sakuna.

Kaya tama lang si Mayor Joy sa pagsasabing kailangang yakapin ng mga lokal na pamahalaan ang siyensya, teknolohiya, at ang pakikilahok ng mismong komunidad. Kailangan ng matibay na political will para magbuhos ng pondo sa mga digital infrastructure tulad ng AI forecasting at real-time sensor networks kaysa nakaposkus lamang sa mga proyektong panandalian at pampaganda lang sa mata.

Batid natin na ilang pambansang ahensya ay madalas na nabibinbin sa mabagal na burukrasya, ngayon ay ipinakita ng QC LGU na ang isang lokal na pamahalaan ay kayang magpatupad ng mga solusyong may pandaigdigang kalidad.

Ngayon ay nasa buwan na tayo ng Hunyo – simula nang tag-ulan, habagat at sunod-sunod na bagyo. Inaasahan magiging kakaiba na ang lahat ngayon sa QCitizens – mas makakatulog na sila nang mahimbing dahil alam nilang may world-class na teknolohiyang nagbabantay sa kanila.