Advertisers
HINDI pagkakaayon o iba-iba ang mga kuwento ng coaching staff at mga player ng Ateneo de Manila University (ADMU) hinggil sa pagkalunod ng dalawa nilang manlalaro, ayon kay Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla.
Ito ang inihayag ni Remulla sa patuloy na isinagawang imbestigayon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) matapos na dumating si dating ADMU Coach Tab Baldwin at iba opisyal upang magbigay linaw sa insidente ng pagkalunod na ikinasawi nina Rene Beterbonia at Divine Adili.
“Dumating dito ‘yung mga coaches, sina Tab Baldwin, Castanos, Em Fernandez and other officials. Tuloy-tuloy pa rin ang fact-finding namin. They gave their narration of events. There are some inconsistencies between what the players said and what the coaches said,” pahayag ni Remulla.
Ayon kay Remulla, “Yung nangyari ang lahat iba ang account ng players, iba ang account ng coaches kasi iba ang vantage point eh, ‘yung players nasa dagat, ‘yung coaches nasa pampang. So kinukuha lang namin ‘yung mga full details tapos gagawa kami ng conclusive report.”
Sinabi ni Remulla na mahalaga ang mga pahayag o salaysay ni Baldwin, “Kasi siya ang head coach, head of management, he makes 90 percent of the executive decision so ‘yung testimony niya is very important.”
Sinabi ni Remulla na mu-ling magpapalabas ng subpoena para kay Fr. Roberto Yap, SJ President ng ADMU nang itong hindi makarating dahil sa pagiging abala sa nalalapit na graduation day.
“Si Fr. Bobby who is the president of the university graduation sa Ateneo ngayon kaya hindi siya makarating but he is subpoenad for Thursday next week,” anang DILG chief.
(Mark Obleada)