Love Kryzl pinasaya ang mga supporters sa ‘Born to Shine’ concert kasama sina Jhong at Sarina Hilario
Advertisers
By Anne Venancio
Isa sa mga pinaka-highlight ng “Xtraordinary Kryzl: Born to Shine” 10th Birthday Concert ni Love Kryzl Jorge ang espesyal na dance performance kasama ang TV host at actor na si Jhong Hilario at anak nitong si Sarina Hilario sa awiting “Perfect Summer.”
Matagal nang hinihiling ng mga netizens na makita sina Love Kryzl at Sarina na magkasamang sumayaw sa entablado. Sa kanyang milestone birthday concert na ginanap sa Samsung Hall, SM Aura sa Bonifacio Global City, tuluyan itong natupad, at mas naging espesyal pa dahil nakisama rin sa production number si Jhong. Agad na umani ng malalakas na hiyawan at palakpakan ang kanilang dance number habang kitang-kita ang natural na father-and-daughter chemistry nina Jhong at Sarina na lalong nagpasaya sa audience.
Bukod sa naturang performance, ipinagdiwang din ni Love Kryzl ang kanyang ika-10 kaarawan sa paglulunsad ng 10 original songs tungkol sa kanyang mga pangarap, karanasan, at positibong mensahe para sa kabataan. Muli niyang ipinamalas ang kanyang husay sa pag-awit, pagsasayaw, at pagpe-perform na lalong nagpabilib sa mga dumalo.
Hindi lamang entertainment ang naging sentro ng selebrasyon. Sa pamamagitan ng Purple Hearts Foundation, muling ipinakita ni Love Kryzl ang kanyang malasakit sa kapwa sa pagsuporta sa sampung benepisyaryong organisasyon, kabilang ang Kanlungan ni Maria, Saluhang Evangelical Church sa Balut Island, Sarangani, SPEED, Tahanang Balik-Alay, God’s Little Angels, Colegio de San Rafael, Guanella Home for Special Children, Archdiocese of Peñafrancia, Animal Kingdom Foundation, at Baon Mo, Sagot Ko.
Naging star-studded din ang okasyon sa pagdalo ng mga kilalang personalidad mula sa entertainment at business industry. Kabilang sa mga nakisaya sina Anna Magkawas, Rhed Sarmiento, Charisse Tinio, Ryan Uson, Yvonne Camay, Kiray Celis, Doc Alvin Francisco, Pauline Causarin, Josh Ford, Kira Balinger, Queenay Mercado, Dianne Medina, Viy Cortez, MJ Marfori, Marga Vargas, Julius Babao, Tintin Babao, at iba pang influencers at content creators.
Nagtapos ang konsiyerto sa pagtatanghal ng original song na “Birthday LOVE,” kung saan nakasama ni Love Kryzl sa entablado ang kanyang mga kapatid at mga magulang. Sa huling bahagi ng programa, nagpasalamat ang pamilya sa lahat ng dumalo at sumuporta sa pagdiriwang ng kanyang ika-10 kaarawan.
Bilang pasasalamat sa mahigit 1,000 guests na dumalo, namahagi rin ng giveaways at food packs ang Purple Hearts by Love Kryzl and Siblings kasama ang DayLi Supplements, SkinVibe, HotBabe, Erriza Bracelets, Nathan’s Halo-Halo, at MangCook.
Sa murang edad, patuloy na pinatutunayan ni Love Kryzl Jorge na hindi lang talento ang kanyang maipagmamalaki, kundi pati ang kanyang malasakit sa kapwa. Sa pamamagitan ng kanyang ika-10 birthday concert, muli niyang ipinakita na ang tunay na pagningning ay mas nagiging makabuluhan kapag naibabahagi ang tagumpay at inspirasyon sa iba.