Advertisers

Advertisers

SEN. MARCOLETA: ‘NOT GUILTY’ SA PLUNDER

0 2

Advertisers

NAGHAIN si Senador Rodante Marcoleta ng “not guilty” plea sa Sandiganbayan Third Division nitong Miyerkules kaugnay ng mga kasong plunder at pagtanggap ng “regalo”.
Nag-ugat ang kasong plunder sa hindi pagdedeklara ni Marcoleta ng P75 milyong halaga ng campaign donations mula kay dating Congressman Mike Defensor at dalawa pang negosyante bago ang 2022 senatorial election.
Itinanggi rin ng senador ang paglabag sa Presidential Decree No. 46, nagbabawal sa mga opisyal ng pamahalaan na tumanggap ng regalo habang nasa puwesto.
Kasalukuyang congressman si Marcoleta nang tumanggap siya ng regalo.
Nagpasok din ng “not guilty” plea ang negosyanteng si Joseph Espiritu, ang isa campaign donor at kapwa akusado ni Marcoleta.(Boy Celario)