Advertisers

Advertisers

Ex-BIR commissioner, kasambahay tinadtad ng saksak

0 2

Advertisers

WALANG buhay at tadtad ng saksak nang matagpuan ang isang senior citizen at kaniyang kasambahay sa loob ng kanilang bahay sa Barangay North Fairview, Quezon City. Ang suspek, ang mister ng pamangkin ng senior citizen na biktima.
Sa ulat, natuklasan ng pulisya ang bangkay ng babaeng senior citizen sa kaniyang bahay Hunyo 15.
Dagdag ng pulisya, isang dating commissioner ng Bureau of Internal Revenue ang biktima, na nagtamo ng siyam na saksak sa leeg.
Tumambad naman sa isang kuwarto ang wala naring buhay na babaeng kasambahay na nagtamo ng 14 saksak sa leeg.
Lumabas sa imbestigasyon na nawawala ang ilang alahas, tatlong cellphones, at pera ng mga biktima. Naiwan sa pinangyarihan ng krimen ang ginamit na patalim.
Ayon sa pulisya, ni-report ng kapitbahay ang masangsang na amoy na nagmumula sa bahay kaya nila ito pinuntahan.
Nangalap ng mga ebidensya, kabilang ang mga kuha ng CCTV, ang pulisya sa loob ng ilang linggo.
Hunyo 12, ang araw na pinaniniwalaang napatay ang mga biktima, nang mahagip ng CCTV ang isang lalaki na naglalakad palabas sa subdivision. Ilang saglit pa, sumakay ito ng taxi sa Regalado Highway.
Makaraan ang halos isang oras, nakunan sa CCTV ang lalaki sa tindahan ng damit sa San Jose del Monte, Bulacan.
“Pagbili niya ng damit, agad-agad siyang pumunta sa CR at nagbihis. Nagcheck-in siya sa isang motel ng 3 hours at pagkatapos ng 3 hours sumakay ulit siya ng jeep pabalik ng Novaliches,” sabi ni Relente.
Noong kinagabihan, gumamit ng payment kiosk ang suspek sa isang drugstore sa Novaliches.
Ayon kay Relente, nagpa-dala ang suspek ng P10,000 na pera sa isang numero.
“Upon follow-up operation namin, napag-alaman namin na itong number ang nagmamay-ari ay ang pamangkin ng senior citizen na biktima. Pinakita namin itong CCTV footage ng suspek natin dito sa pamangkin ng senior citizen na biktima,” sabi ni Relente.
Doon na natukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan ng 36-anyos sa lalaki, na siyang mister ng pamangkin ng senior citizen na biktima.
“Ang naging motibo nito pagnanakaw kasi napag-alaman natin na itong suspek nakararanas umano ng problemang pinansyal,” ani Relente.
Kasalukuyang at large ang suspek, na sinampahan ng mga reklamong two counts ng murder and robbery nitong Miyerkules. (Boy Celario)