Advertisers

Advertisers

“Human Refrigerator,” pantapat ng Japan sa matinding init

0 4

Advertisers

Umagaw ng pansin ngayong buwan ang “Do Hiemon Box” o mas kilala bilang “Human

Refrigerator” ng Japan, isang makabagong kagamitan na naglalayong labanan ang heatstroke sa gitna ng pagtaas ng temperatura sa bansa na pumapalo sa mahigit 40 degrees Celsius.

Binuo ang produkto ng SDRS at binebenta ng industrial supplier na Trusco Nakayama Corporation, kung saan inihalintulad ang disenyo nito sa mga refrigerated vending machine na karaniwang makikita sa iba’t ibang bahagi ng Japan.



Ayon sa PR TIMES, ang produktong pang-industriya na umabot na 1.5 hanggang 1.6 million ay maaaring gamitin sa labas o sa loob ng mga gusali.

Dahil dito, angkop ito para sa mga manggagawa sa mga pasilidad o kapaligirang may matinding init.



Kapag naupo ang isang indibidwal sa loob ng Do Hiemon Box, hinihipan ng malamig na hangin ang kanyang likod at batok.

Ang hanging inilalabas nito ay may temperaturang humigit-kumulang 5°C, na katumbas ng lamig sa loob ng karaniwang refrigerator.



Kusa rin itong hihinto pagkalipas ng 20 minuto upang hindi sumobra ang lamig sa katawan.(Kirsten Kate Javier – OJT)