Advertisers

Advertisers

2 estudyante nalitson sa sunog sa Albay

0 2

Advertisers

NASAWI ang dalawang estudyante at isa ang sugatan nang ma-trap sa nasusunog na boarding house sa Purok 1, Sitio Pag-asa, Barangay Rawis, Legazpi City, Albay.
Sinubukan pang isugod sa Legazpi City Hospital ang mga biktimang sina Jer, re-sidente ng Brgy.Tablak, Matnog, Sorsogon; at Willy, ng Masbate City, Masbate pero kapwa sila ideneklarang dead-on-arrival.
Nagtamo ng 2nd degree burn at ilang sugat sa katawan ang mga biktima. Patuloy namang nilalapatan ng lunas ang sugatan ding si Jan, 18 anyos, ng Brgy. Ra-wis, Libon, Albay. Lahat sila ay estudyante ng kalapit na Mariners Polytechnic Colleges Foundation-Legazpi City.
Sa ulat, madaling araw nang magliyab ang katabing Law Office at nasunog ang tatlong kotseng nakaparada sa tabi nito. Mabilis na kumalat ang apoy at nadamay ang tinutuluyang boarding house ng mga estudyante na nasa kasarapan ng tulog.
Sa retrieval operation ng Bureau of Fire protection personnel, natagpuan ang mga biktima sa loob ng nasunog na bahay na walang malay at agarang isinugod sa pagamutan, pero idineklarang kapwa patay.
Tinitingnan ng BFP na faulty electrical wiring ang naging sanhi ng sunog.