Advertisers
INIHALIMBAWA ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang isang operasyon ng magka-anib na pwersa ng Philippine Army, Philippine National Police at Bureau of Immigration na nagresulta sa pagkakaaresto kay New People’s Army (NPA) member na si Binay Serrano, alias “Samay,” at isang American citizen na si Cristina Pasion sa Cabuyao City, Laguna, para balaan pa ang iba pang mga Filipino-American sa panggantso ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.
Dangan kasi, kamakailan ng madakip si Sanay, natiyempuhan din si Pasion, na siyang kasama ng wanted for murder na opisyal ng NPA.
Kaya ang sabi nga ni NTF-ELCAC executive director Undersecretary Ernesto Torres Jr. ang pagkakadakip sa dalawa ay nagpapatunay na nagrerecruit pa ang CPP-NPA-NDF lalo na ng mga Fil-Am na madaling mahikayat sa pamamagitan kuno ng paging makabayan.
Ang sabi ni Torres kaya ngayon ay nahaharap itong di Pasion sa mga paglabag sa ating mga batas kabilang na ang mga immigration rules at mga ipinagbabawal nito, ay nagoyo rin kasi si Pasion ng CPP-NPA na sumanib sa kanila sa pamamagitan ng mga mapanglinlang na kwento, pahayag at pagkilos.
Nakakabahala nga naman, makabalita ka ng ganito, na ang kababayan mo na nasa ibang bansa at kaulayaw na pala ng mga nanggugulo sa bansa.
Sinisimulan kasi yan panghihikayat ng mga komunistang-terorista sa mga adbokasiya kuno ng samahan, at humanitarian purposes, na wala namang ibang kahahantungan kung di ang pagkakahuli sa iyo o’ kung minalas-malas ka pa ay sa pagkakamatay mo sa gitna ng enkwentro sa pagitan ng mga tropa ng pamahalaan at ng mga rebelde.
Mapanganib ang Malagasy ka sa ganitong sitwasyon, na wala lang kaalam-alam na nako ka na pala ng CPP-NPA-NDF dahil sa pagkakahangad mong tumulong.
Si Pasion ay isa lamang sa mga ganitong kaso. Nasa America, magandang kalagayan ngunit nadidal dahil sa pagaakalang magiging makabayan nga naman siya kung siya ay tulong sa samahan ng CPP-NPA-NDF.
Anong nangyari sa kanya, pinaakyat ng bundok at ginawang fighter. Pinahawak ng baril at kasamang patago-tago. Ito ang nagbunsod sa kanya na gumawa ng Isang kalatas o’ sabihin na nating diary ng kanyang mga karanasan bilang Isang NPA.
Nailarawan niya dito kung gaano kahirap mamuhay bilang rebelde. Maging ang mga kanyang tanong na bakit nagkaganito ang kanyang buhay.
Walang ibang magkamali, kung di siya. Isa lamang di Pasion sa napakaraming Filipinong naloko ng CPP-NPA-NDF. Na ng matagpuan ng ating kasundaluhan ay laking pasasalamat at di siya napatay.
Kayong mga Fil-Am nais niyo nang karanasan ang karanasan ni Pasion sa kuko ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF? Sundin niyo na lang ang babala ng NTF-ELCAC.