ALEX EALA, HUMAHATAW, PAULIT-ULIT NA INILALAMPASO AT PINATUTUMBA PINAKAMALALAKING PANGALAN SA MUNDO NG TENNIS!
Advertisers
Bihira ang pagkakataong isang batang atleta ang magpatigil sa paghinga ng buong bansa.
Ngunit ito ang nagagawa ngayon ni Alex Eala. Hindi na lamang siya isang pangakong bituin—isa na siyang tunay na puwersang gumugulat sa pinakamalalaking pangalan sa internasyonal na tennis.
Ang kanyang pinakahuling tagumpay laban sa World No. 1 at 4-time Grand Slam Champion na si Naomi Osaka sa Mubadala DC Open ay hindi basta panalo. Isa itong malinaw na mensahe na ang Pilipinas ay mayroon nang atletang kayang makipagsabayan, at manalo, laban sa mga pinakamahusay sa mundo.
Marami pa rin ang hindi makapaniwala sa mga malalaking pangalan na tinatalo ni Alex, may mga nagsasabing up to now ay tsamba lang daw o “upset” lamang iyon.
Ngunit kung paulit-ulit mong napapatumba ang mga malalaking pangalan, hindi na ito tsamba. Isa na itong patunay ng talento, disiplina at matibay na paniniwala sa sariling kakayahan.
Ngayon, may panibagong hamon ang naghihintay kay Alex sa Finals o Champioship. Makakatunggali niya ay si World No. 3 and top seed Jessica Pegula ng Amerika — isang world-class player na tiyak gustong manalo at mag-kampeon. Hindi ito magiging madaling laban. Parehong may kakayahan, parehong gutom sa tagumpay. Prize at stake for the winner or champion will receive $250,000.00.
Ngunit kung may isang bagay na napatunayan ni Alex sa kanyang mga kampanya sa Berlin, Miami at Wimbledon, iyon ay ang hindi siya natitinag sa pangalan ng kanyang kalaban.
Hindi siya pumapasok sa court bilang underdog. Pumapasok siya upang lumaban at manalo.
Dito marahil pinakamagandang pagnilayan ang tunay na kahulugan ng sports. Hindi lamang ito tungkol sa ranking, tropeo o premyo. Ito ay kuwento ng isang Pilipinang lumaki sa pangarap na dati’y tila napakalayo.
Ngayon, bawat paghampas niya ng raketa ay tila paghampas din sa paniniwalang limitado ang kayang marating ng mga Pilipino sa pandaigdigang entablado.
Habang milyun-milyong Pilipino ang magpupuyat upang subaybayan ang kanyang laban, iisa ang kanilang dalang pag-asa—na muli niyang maipakita na walang imposibleng maabot kapag pinagsama ang talento, talino, sipag at tibay ng loob.
Anuman ang maging resulta laban kay Pegula, isa na ang hindi mabubura sa kasaysayan: binago ni Alex Eala ang pananaw ng mundo sa Philippine tennis.
Pinatunayan niyang kaya ng isang Pilipina na makipagsabayan sa mga higante ng sport.
Ngunit bakit tayo agad magtatapos sa kuwento?
Hindi pa ito ang huling kabanata.
Sa bawat panalo ni Alex, lalo lamang tumitibay ang paniniwalang ang pinakamagandang bahagi ng kanyang kasaysayan… ay hindi pa naisusulat.
At baka ang susunod na pahina ay isang panibagong himala—isang Pilipina na maging Grand Slam champion at magbibigay muli ng dahilan upang buong bansa ay sabay-sabay na magsabing:
Laban lang, Alex. Ang kasaysayan ay naghihintay pa sa iyo.
Laban lang Alex, kayang-kaya mo yan si Pegula, siguradong kampeon ka na, Congrats in advance!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com.