Advertisers

Advertisers

Pastor patay sa ambush

0 3

Advertisers

NASAWI ang isang pastor nang pagbabarilin sa Caraga Region, Biyernes, July 31.
Minamaneho ng pastor na si alyas “Ben” ang kanyang sports utility vehicle nang tambangan ng mga armadong nakaabang sa gilid ng highway habang pauwi na sa kanila sa hindi kalayuang Barangay Rizal sa San Francisco, Agusan del Sur.
Mabilis na nakatakas ang mga nanambang.
Dahil sa tinamong mga tama ng bala, nawalan ng kontrol sa kanyang sasakyan ang biktima kaya lumihis ito at bumangga sa isang bahay sa gilid ng highway.
Ayon sa barangay officials at mga imbestigador ng pulisya na nagresponde sa insidente, isa sa tatlong kasama ng nasawi na pastor ang sugatan sa pananambang.