Advertisers
TULAD ng unang kaso niyang Plunder noon, sa maling paggamit ng kanyang pork barrel fund, muling nakapaglagak ng piyansa si dating Senador Bong Revilla sa bagong kasong plunder kaugnay naman ng “kickback” sa “multong” flood control project sa Bulacan.
Pero mismong si Ombudsman “Boying” Remulla ay hindi makapaniwala na payagan ng Sandiganbayan si Revilla na makapagpiyansa ng P1 milyon sa P92m Plunder case.
Dalawa sa tatlong hukom ng Sandiganbayan ang pumabor na makapagpiyansa si Revilla. Ito’y sina Associate Justice Fritz Bryn Anthony delos Santos at Associate Justice Robald B. Moreno.
Ang chairman ng division na si Associate Justice Karl Miranda ay ‘di sumang-ayon makapagpiyansa si Revilla.
Kung anong rason nina Delos Santos at Moreno kung bakit pinaboran nilang pansamantalang makalaya ang sabungerong dating senador, dapat magpaliwanag sila sa publiko. Mismo!
Sabi ni Ombudsman Remulla, malakas ang ebidensiya laban kay Revilla. Hindi ito dapat pinayagan magpiyansa. Aniya, may “nagtrabaho” sa kaso.
Say pa ni Remulla, kakausapin niya si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo na imbestigahan ang desisyon nina Justices Delos Santos at Moreno.
Pinaalala rin ni Remulla na hindi parin naibabalik ni Remulla ang P124 million pork barrel fund na nilustay umano niya sa maling programa noong administrasyon ni late President Noynoy Aquino, kungsaan ilang taon din siyang (Revilla) nakulong bago napawalang-sala pero pinababalik sa kanya ng graft-court ang naturang halaga.
Anong agimat kaya ang ginamit rito ni Pogi? Milyones ang rason dito.
Kalkalin!
***
Humihingi daw ng ceasefire si Senador Alan Peter Cayetano sa bakbakan nila ni Sen. Ping Lacson.
Natumbok yata ni Lacson ang lihim ng Guadalupe kaya umatras ang yagbols ni Alan.
Sabi ni Lacson, hindi niya titigilan si Cayetano hangga’t ‘di napapakulong. Araguy!!!
Isinampa na ni Lacson ang reklamo sa Ombudsman. Iimbestigahan rin daw niya ito sa Senate Blue Ribbon.
Subaybayan!
***
May matinding babala ang beteranong mamamahayag/kolumnista na si Ramon Tulfo sa mga kongresista.
Aniya, napag-alaman niya na bumalik na naman ang gawain ng mga kongresista na manghingi ng kickback sa kanilang mga proyekto sa DPWH.
At may grupo raw ng matitinong miembro ng militar ang tutumba sa mga korap na mambabatas para magsilbing aral sa iba pa. Katakot naman ‘to. Pero sana nga magkatotoo. Hehehe…
Kung totoo man ang info na ito ni Mon, kasama kaya sa mga itutumba ang mga kongresistang bading na notoryos sa kickback?
Mga kababayan kong Romblomanon, anong say n’yo sa “palangga” ninyo dyan?