Advertisers

Advertisers

Aubrey at Lance, ‘di solb sa mga pamahiin

0 3

Advertisers

By ARCHIE LIAO

Napakalapit sa kamalayan ng mga Pinoy ang tema ng horror movie na “Rosario” dahil tumatalakay ito sa mga pamahiin.

Kuwento ito ng isang anak na nagpabaon ng rosaryo sa ataul ng kanyang namayapang ina.

Sa halip na matahimik, naging sumpa ang hindi paglagot sa tanikala ng rosaryo sa hantungan ng ina.

Unti-unting may mga hindi maipaliwanag na pagkamatay ang sumunod.

Ayon naman sa mga bida ng pelikulang sina Lance Carr at Aubrey Caraan, hindi sila solb sa mga pamahiin.

“I had no idea about the pamahiin sa rosaryo until this film came along. I’m not really one to follow superstitions — but if something were to happen to someone in the family, knock on wood, I’d probably just go along with it. Wala namang mawawala. Nothing is lost,” ani Lance.

“In our family, looking at a broken mirror is forbidden. But honestly, we don’t really practice those things anymore. The rosary belief was completely new to me, but I think the same logic applies: there’s nothing to lose if you follow it,”sey ni Aubrey.

Naniniwala rin ang dalawa na ang pinakamabisang kalasag sa mga kamalasan, sumpa o masamang pangyayari ay ang mga panalangin.

“I do believe that prayers do wonders,”paliwanag ni Aubrey.

“Yes, ako.I also believe in the power of prayers,” susog ni Lance.

Ang LanceBrey ay naging popular sa Viva One series na “Avenues of the Diamond” noong 2025

Ang “Rosario” naman ay idinirehe ng box-office horror director na si Roni S. Benaid (Poon; Mary Cherry Chua; Marita; Nanay, Tatay).

Sa pelikula, bininigyang buhay ni Aubrey ang papel ni Beth, isang mapagmahal na anak na gagawin ang lahat para itaguyod ang kanyang pamilya.

Ginagampanan naman ni Lance ang papel ni Caleb, ang dati niyang nobyo na nagbalik para tulungan siyang makawala sa sumpa.

Kasama rin sa cast ng pelikula sina Yumi Garcia, Jairus Aquino, Meg Imperial, Suzette Ranillo, Rose Van Ginkel at Bernadette Allyson.

Palabas na ang horror movie event ng taon sa mga piling sinehan sa buong bansa simula sa Agosto 5, 2026.