Advertisers
By Beth Gelena
Ibinahagi ni Janine Gutierrez na malaki ang papel ng katapatan pagdating sa mga relasyon.
Sa isang panayam, sinagot niya ang ilang mga tanong tungkol sa pag-ibig.
Iginiit ni Janine na ang katapatan ay makapagbibigay ng sigla sa isang tao pagdating sa pakiramdam na ligtas sa isang relasyon.
“Sa tingin ko, napakahalaga ng katapatan dahil alam mong may kasama ka, kapag alam mong may sumusuporta sa iyo, tapat sa iyo, mapagmahal, at laging nandiyan para sa iyo, kung gayon, mas magiging matatag ka pa rin at handang sumugal para sa iyong mga pangarap at maging matapang,” wika niya
Nabanggit din niya na may panahong nagdaan sa na may mga taong hindi naging tapat sa kanya.
At lesson learned daw iyun sa kanya.
“Siguro natutunan ko na kung ang isang tao ay hindi tapat sa iyo, hindi mo dapat ito tingnan bilang tanda ng iyong halaga. Kung ang isang tao ay hindi tapat sa iyo, ituring mo ito bilang senyales na hindi siya ang tamang tao para sa iyo at dapat mong matutunan kung kailan dapat bumitaw. ”
Hindi raw sapat na pagmamahal lang, marami daw kasing factor na nakakaapekto.
“Even if you love someone, kung iba kayo ng gusto sa buhay, kung iba kayo ng tinatahak na landas or iba kayo ng idea of your life and your future, then it’s still not gonna work out kahit mahal niyo ang isa’t-isa–– you have to choose each other,” esplika pa ng aktres.
Buong kumpiyansa niyang sinagot kung paanong ang “pagiging nandiyan para sa isang tao” ay isang bagay na natutunan niya tungkol sa pag-ibig sa paglipas ng mga taon.
“Natutunan ko na ang pag-ibig ay ang pagiging nandiyan para sa isang tao sa magaganda at masasamang panahon, ang pagiging tapat sa isa’t isa at ang pagnanais ng pinakamabuti sa isa’t isa, at ang kakayahang makipag-usap at magkaroon ng kapareha sa buhay,” pagtatapos niya.