Advertisers
Saksing-buhay tayong lahat partikular na ang mga taga- TONDO na ang kapistahan ng Poong Sto. Nino ay gina-ganap at sineselebra natin tuwing ikatlong linggo ng buwan ng Enero.
Ang kapistahan ay dinaraos matapos ang pista ng Quiapo na ginaganap naman tuwing Enero 9.
Ngunit marami ang namangha at nagulat sa naganap na prusisyon KAGABI Agosto 2 na halos nilahukan ng libu-libong tao na pawang mga deboto ng Sto. Nino at lehitimong mga taga Tondo.
Lahat ay may dalang galak at ligaya habang umiikot ang prusisyon sa mga pangunahing kalsada ng TONDO na nasasakupan ng parokya ng SIMBAHAN ng TONDO.
Lahat rin ng kalsadang dadaanan ng prusisyon ay sinaradong pansamantala ng pulisya at BARANGAY na naging sanhi ng mabigat na trapiko.
Ang buong TONDO ay halos mabingi sa tunog ng mga tambol at trumpeta sabay sa umaatikabong sayawan ng mga tao sa kalye.
Lahat ay nagsisigawan ng Viva Sto. Nino sabay sa pagpapaputpk ng kuwitis at pagsindi ng mga lusis na nag-bigay ng liwanag sa kalye nilang binabaybay.
‘Di kaila sa marami, alam nating lahat na ang pista sa anumang lugar ay minsan lang ginaganap sa loob ng isang taon, ‘di po ba?
Kung kaya’t ang unang tanong natin ay kung ano ang okasyon na kanilang sineselebra na halos walang pagka-kaiba sa pista ng Sto. Nino na ginaganap tuwing ikatlong linggo ng buwan ng Enero.
Napag-alaman natin sa mga relihiyoso at sa mga nakakatanda na ang selebrasyong ito ay alay rin kay Sto. Nino na umanoy ninakaw sa loob ng SIMBAHAN ilan dekada na ang lumipas. Kasama ang gintong korona nito.
Ito anilang okasyong ito ay bilang pasasalamat sa Poong Maykapal dahil sa binalik muli ng kung sino ang imahen sa loob ng SIMBAHAN.
Ayon daw sa kasaysayan, parang may unos daw at salot sa buong TONDO habang nawawala ang imahen.
Halos isang buwan daw walang tigil ang ulan na nagdulot rin ng sakit at karamdaman sa mga residente.
Isang araw daw NG linggo ay namangha ang mga deboto at mga nagsisimbang mga tao sa biglang paglutang ng imahen sa altar ng SIMBAHAN.
Dito lang daw huminto ang malakas na pagbuhos ng ulan na sinabayan pa ng pagsikat ng haring araw.
Nataon naman anila na ang naganap na milagro ay tumapat sa petsang Agosto 2.
Magmula daw noon hanggang sa kasalukuyan ay naging panata na nila ang pagbibigay pugay at pasasalamat sa mahal na Sto. Nino tuwing Agosto 2.
Ito raw ay nag-silbing milagro at pagmamahal ng Poong Sto. Nino sa mga taga Tondo.
Ibang klase rin ang pina-pamalas na kultura at pananampalataya ng mga batang TONDO.
Talagang nakatatak rin SA kanilang puso’t-damdamin ang tradisyon na pinamana pa ng kanilang mga ninuno, mabuhay kayo!!!