Advertisers
Nasa hot water ang dalawang aktibong pulis nang arestuhin ng mga otoridad sa pagbebenta ng mga baril sa isinagawang operation Caloocan City nitong Huwebes ng umaga.
Kinilala ang mga naaresto na sina PSSg Niño Nazareno Paguirigan, 32, nakatalaga sa Sub Station 2 Caloocan City Police ng Pande Bulacan; at PMSg Arjay B Terrado, 39, nakatalaga sa Sub Station 9 Caloocan City Police ng Maypajo, Caloocan City.
Ayon kay Pat Michael M Ciego, 5:30 ng umaga nang magsagawa ng buy bust operation ang pinagsanib na elemento ng Caloocan City Police Intelligence Unit, IDMS, SS1, SS3 at SS9 sa kahabaan ng Riles Compound, Brgy. 5 Caloocan City.
Inaresto ng mga operatiba ang dalawang mga suspek matapos na miabot ang ibinebenta mga baril sa isang poseur-buyer.
Narekober ng mga otoridad ang (2) PNP issued firearm na (1) Pietro Beretta Cal. 9mm Parabellum pistol (1) Taurus 9 mm , (1) Cal. .38 revolver; (1) 12-gauge shotgun; marked buy-bust money na (1) genuine P500.00 bill (2) boodle P1,000.00 bills, two cellphones na Honor 200 color green at Oppo cellphone. two (2) motorcycles na Honda Click version 3 kulay puti na walang plate number, at (1) Samurai 155 I na kulay itim na walang plaka.
Ang dalawang pulis ay dinala sa Caloocan City Police Station ay nakatandang samapahan ng kasong paglabags sa Sections 28 and 29 of R.A. No. 10591. (Mark Obleada)