Advertisers

Advertisers

“PASABOG” NA MARY GRACE PIATTOS!

0 938

Advertisers

MAY pasabog ang defense team ni VP Sara Duterte at ilang mga senator judge na kapanalig ng mga ito – ang palutangin o palitawin upang tumestigo sina Mary Grace Piattos, Alejandro Pikit, Andy Lim at iba pa.

Sila ang magpapatunay na tumanggap ng Confidential and Intelligence Funds (CIF) mula sa Office of the Vice President (OVP) sa iba’t ibang pagkakataon noong 2022. Dapat maging alerto at paghandaan ito ng panig ng prosecution. Gagamitin na “hulmahan” o batayan ito ng defense counsel ni VP Inday ang “confidentiality” upang kumambyo sa kanila ang timbangan ng katarungan.

Batangas Rep. Gerville “Bitrics” Luistro at Sen. Robin Padilla

Naging sentro ng mga pagpuna ang mga nagiging pahayag ni Sen. Robin Padilla sa mga kinukwetiyong pinagkagastusan ng OVP na pawang malalapit sa petsa ng mga anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CCP), New People’s Army (NPA) at National Democratic Front.

Aniya walang ginawang pag-atake ang NPA sa mga naturang pagkakataon at sa kabobohang tanong ay ipinunto nito ang kahalagahan ng CIF ni VP Sara sa paglaban sa terorismo.

May papel kaya ang CIF ng OVP at ang Department of Education sa paglaban sa terorismo at insurgency sa bansa?

Inungkat pa ni Padilla ang pakikipaglaban ni Digong sa mga komunista na ipinagpapatuloy ni VP Sara. Ang tanong bakit buhay pa, malaya at naging Senator-Judge pa ito, gayong inamin nito na isa siyang komunista?

Nang tanungin naman ni Senator Judge Paulo Benigno “Bam” Aquino IV kung “totoong tao o alyas lamang sina Marie Grace Piattos, Renan Piattos, Andy Lim, Alejandro Pikit at iba pa at kung testigo ang mga ito sa mga pagdinig ay sinabi ng defense team ni Inday na kanila pa itong pag-uusapan?

Kung sisipot alinman kina Mary Grace Piattos, Alejandro Pikit, Renan Piattos, Andy Lim, Patty Ting, Sisfrunio Balsac at iba pa upang pagtibayin ang pagtanggap ng mga ito ng reward mula sa CIF ng OVP ay dapat paghandaan ito ni lead prosecutor Batangas Rep. Gerville “Bitrics” Luistro.

Kasama din sina Rep. Chel Diokno, Rep. Leila De Lima, Rep Terry Ridon, Rep. Joel Chua, Rep Ysabel Zamora at iba pang miyembro ng prosecuting team ay kailangang maipakita ang pruweba na likha lamang, peke o fictitious ang mga pangalan ng mga nakatanggap ng CIF ni VP Inday.

Ang mga documentary evidence na itinuturing na “hard at indisputable evidence ay ang tulad ng birth certificate, baptismal Certificate, Driver’s License, Passport, PRC ID, National ID, SSS, Digitalized ID, UMID Card o iba pang legal na identification sa Pilipinas.

May halos 48 na mahahalagang dokumento ang maaring ipresinta ng prosecution team sa VP Sara impeachment trial upang mapasubalian ang pagkakaroon ng likha o gawa-gawang Marie Grace Piattos at ng mga kalipi nito?

PULIS PURDOY SA SAKLA SA CAVITE, NAGHURUMENTADO!
PINAIIMJBESTIGAHAN ang isang pulis na alyas Montoya dahil sa walang habas nitong pagpapaputok ng AK-47 assault rifle matapos na mapurdoy sa pagsusugal ng sakla sa Cavite. May 100 ang saklaan sa probinsya nina Gov. Abeng Remulla, DOJ Sec. Jonvic, TanodBayan Sec. Crispin Remulla at Senator Judge Panfilo Lacson. Sa susunod na pitak ito tatalakayin…

***

Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144