Advertisers

Advertisers

BAHA SA PARAÑAQUE LAGPAS TAO; RESCUE OPERATION IKINASA

0 13

Advertisers

MANILA, Philippines – Rescue operation ikinasa sa ilang lugar sa Paranaque City dahil sa lampas taong baha na tumama sa lugar nitong Sabado ng gabi, Agosto 8.

Dahil sa patuloy na buhos ng malalakas na ulan dala ng Habagat na umabot sa pitong talampakan ang lalim ng baha sa Veraville 2 Homes, Bgy. San Isidro, Valley 6, kung saan kinailangang sagipin ang mga residente kabilang ang isang pamilya na may walong buwang sanggol.

Ayon sa mga residente sa lugar, mabilis na tumaas ang tubig.

Samantala, istranded din ang ilang pamilya sa San Felipe Street sa Bgy. San Antonio Valley 2 na na-rescue din bandang 9:15 ng gabi sa biglaang pagtaas ng tubig.

Sa official Facebook page, hinimok ni Parañaque City Mayor Edwin L. Olivarez ang mga residente lalo na sa low-lying areas at malapit sa daluyan ng tubig na lumikas na sa banta ng posible pang pagtaas ng tubig baha.

Siniguro naman ng lokal na pamahalaan na patuloy ang rescue operation para tulungan ang mga apektadong residente at ang ikinakasang forced evacuation kung kinakailangan. (RONALD BULA)