Advertisers
KUMPIYANSA ang kampo ni BBM na mahahatulan ng “guilty” si Misfit Sara sa pagtatapos ng impeachment trial ng Senado bilang husgado at tuluyang maalis siya sa poder bago matapos ang taong ito. Dahil sa pasya ng Senado, hindi makakatakbo sa anumang posisyon si Misfit sa 2028 at mapipilitan ang kanyang kampo na pumili ng kapalit na kandidato.
Malamang makuha ng kampo ni BBM ang 16 na boto sa Senado upang tuluyang masibak si Misfit. Hindi lang nila ipinangangalandakan ngayon dahil hindi kailangan. Kung may desperado sa kasalukuyang takbo ng mga pangyayari, ito ay ang kampo ni Misfit Sara. Alam nila na walang pag-asa na makalusot si Misfit kahit katiting sa sakdal laban sa kanya ng Prosecution Team ng mga magagaling na mambabatas mula sa Camara de Representantes at mga mahuhusay na pribadong manananggol.
Hindi mababaligtad ang takbo ng kanyang paglilitis sa Senado. Nakikita ng kampo ni Misfit na walang ibang pupuntahan ang impeachment trial kundi hatulan siya ng guilty, sibakin sa puwesto, at diniskuwalipika na tumakbo sa anumang puwesto kahit na anong halalan. Hindi malayo na ilatag sa huling bahagi ng taon ang mga sakdal ng kriminal laban sa kanya upang hindi siya makabuo ng anumang tiket sa 2028. Tuluyang nasadlak sa putikan ang pamilya Duterte sa 2028.
Biglang tumahimik ang kampo ni Misfit. Umalis bigla si Loren sa palusot na magpapagamot sa ibang bansa. Biglang nagkasakit si Loren ng hindi malaman na karamdaman. Sa Senado, batid ng mga nandoon na isa ang sakit ni Loren – ang labis na katamaran. Batugan si Loren sa mga isyu ng bayan.
Kung babalik si Loren at ito ay mangyayari lang sa kondisyon na walang sakdal na ilalatag ang gobyerno ni BBM kontra sa korap na anak na si Marc Leviste, iisa lang ang nakikitang scenario: boboto si Loren kontra kay Misfit Sara. Nahaharap sa sakdal na plunder ang mag-ina dahil hindi nila naibigay ang takdang enerhiya kapalit ng P32 bilyon na kontrata na ibinigay ni Gongdi noong nasa kapangyarihan siya.
Ibinenta ng batang Leviste ang kontrata niya sa gobyerno sa Meralco hindi upang ang Meralco ang magtuloy ng pangako ng prangkisa. Binili ito ng P22 bilyon upang patayin ang anumang kompetisyon at tuluyang maghari ang Meralco sa industriya ng enerhiya.
Tumahimik ang magkapatid na Cawatano. Tuluyang nawala sa hulog ang madakdak na Alan Peter pagkatapos ibunyag ni Ping Lacson ang mga kagaguhan niya sa proyektong flood control sa Taguig City. Kasalukuyang binubusisi ng NBI ang mga kalokohan niya sa mahigit P11.5 bilyon pondo ng 2019 Southeast Asian Games. Dahil wala na si Gongdi sa poder, walang makakapigil upang tingnan ang pandarambong sa pondo ng bayan kaugnay sa SEAG at flood control sa Taguig City. Wala ng nagbibigay ng proteksyon kay Cawatano.
Dahil biglang tiplop si Alan, tumiklop rin ang Ate Pia niya. Hindi na tumayo sa bulwagan ng Senado upang maghasik ng katangahan at ipakita ang kamangmangan sa maraming isyu ng batas kahit abogada siya. Hindi niya makontra ang daloy ng mga dokumento at financial statement na patunay na dinambong ni Misfit ang confidential fund na inilaan sa kanya.
Tanging si Camoteng Robin at Fake News Babs na lang ang maingay sa paglilitis. Ngunit pinagtatawanan ang dalawa dahil mistulang mga payaso sa karnabal dahil sa labis na katangahan at kamangmangan. Kumikilos rin ang sakdal na obstruction of justice na inilatag laban kay Camote at Alan Peter Cawatano.
***
HINDI lumpong pato si BBM. Ang totoo ay labis na tuso at mapanlinlang si BBM. Alam gamitin ni BBM ang poder upang lansihin ang mga kalaban na ngayo’y pawang litong-lito. Hindi lang mahilig magsalita si BBM pero namana niya ang katusuhan ng ama pagdating sa pulitika.
Inamin ni Ilocos Norte Kin. Sandro Marcos, ang kasalukuyang House Majority Leader, na maagang nakita nila na maghihiwalay ng landas ang Uniteam ni BBM at Misfit Sara dahil sa matinding pagnanasa ni Misfit na siya ang maging pangulo.
Inamin ni Sandro na pinaghandaan nila ang paghihiwalay ng dalawa. Ang hindi inamin ni Sandro ay ang mga patibong na inilatag ni BBM upang siluhin ang palalo at mapanlibak na si Misfit. Isa ang confidential fund na umabot sa P612 milyon. Naniwala si Misfit na sa kanya na ang confidential fund. Hindi siya nagdalawang isip na dambungin at ibulsa ang pera ng bayan.
Nang nasigurong nadambong ni Misfit ang pondo, pinasabog ang isyu at sumabog ito sa mukha ni Misfit. Tanga at mangmang si Misfit at hindi nahalata na naisahan siya ni BBM. Hindi nakaganti. Bagkus siya ang naharap ngayon sa impeachment trial.
***
MGA PILING SALITA: “Napakadali manloko itong asawa ni Robinhood. Sabi kahit preso meron nagawang batas. Ang preso para kriminal, not senator.” – Nung Ajihil, netizen, kritiko
“When the President (PBBM) won in 2022, everybody thought we were to move and reside in the palace. But I didn’t. I live on my own.” – Rep. Sandro Marcos