Advertisers
LUMOBO na sa P1.03 bilyon ang halaga ng pinsalang iniwan ng mga nagdaang bagyo at habagat sa sektor ng agrikultura sa bansa.
Mahigit kalahati ng halaga ay mula sa mga palay (rice) na pinadapa ng mga kalamidad.
Halos 50 porsyentong pagtaas ito mula sa P689.66 milyong halaga ng pinsalang tinaya ng Department of Agriculture noong Agosto 13.
Bunsod nito, mahigit 30,000 magsasaka ang apektado gayundin ang mahigit 25,000 ektarya ng agricultural land at 25,280 metrikong tonelada ng agricultural at fishery products.
Sunod na matinding napinsalang commodity ay ang mais.
Bilang resulta, umakyat na sa 16,105 MT ang nawala sa produksiyon sa agrikultura mula sa 23,206 ektarya ng sakahan o taniman.
Nagtamo rin ng P9.26 milyong halaga ng danyos ang sektor ng pangisdaan habang sa livestock umabot sa P6.91 million kabilang ang mahigit 6,000 hayop.
Naitala ang mga pinsala sa pitong rehiyon sa CAR, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa at Western Visayas.