Advertisers

Advertisers

Angeline Quinto tinago sa mister ang pag-aaral sa kolehiyo

0 3

Advertisers

Ni Anne Venancio

Lihim na ipinagpatuloy ni Angeline Quinto ang kanyang pag-aaral sa loob ng halos apat na taon habang pinagsasabay ang career, pamilya at pagiging ina.

Sa panayam sa Oh My Gan!, ibinahagi ng singer na maging ang kanyang asawang si Nonrev Daquina ay hindi alam ang kanyang pagbabalik-eskwela. Tanging manager niya ang nakakaalam sa kanyang sikreto.

Nagtapos si Quinto ng Bachelor of Business Administration, major in Marketing Management, sa Immaculada Concepcion College. Para sa singer, malaking katuparan ito sa pangarap ng kanyang yumaong ina na si Mama Bob, na matagal siyang hinihikayat na bumalik sa pag-aaral.

Bumalik sa paaralan si Quinto noong 2021, kasabay ng kanyang unang pagbubuntis. Noong 2024, nag-aaral pa rin siya habang nagdadalang-tao sa kanyang anak na si Sylvia at nagtatrabaho sa seryeng What’s Wrong with Secretary Kim.

Kapag tapos na ang kanyang trabaho at natutulog na ang kanyang pamilya, saka niya ginagawa ang kanyang mga school requirement.

“Hindi niya alam. Kahit si Nonrev hindi niya alam,” ani Quinto.

Naantala man ng isang taon ang kanyang graduation dahil sa ilang incomplete requirements, hindi siya sumuko hanggang makuha ang diploma.

Naniniwala si Quinto na kasama niya ang kanyang ina sa mahalagang araw na iyon.

“Malamang kasama ko talaga ang Mama habang nasa stage ako na tinatanggap ko ’yung diploma ko.”

Para kay Quinto, hindi kailangang kalimutan ang isang pangarap dahil lamang may ibang kailangang unahin.