Advertisers

Advertisers

Julie Anne San Jose interesado kay Dennis Trillo

0 3

Advertisers

Ni Anne Venancio

Umaasa si Julie Anne San Jose na muling makasama sa isang proyekto si Dennis Trillo, matapos ang kanilang matagumpay na tambalan sa Kapuso historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Nagpaabot ng pagbati si Julie Anne kay Dennis kasunod ng panibagong contract renewal ng aktor sa GMA Network noong Agosto 4. Sa isang video message, ipinahayag ng Asia’s Limitless Star ang kanyang kasiyahan sa pagpapatuloy ng pagiging Kapuso ng aktor.

“Hi Dennis! Gusto ko lang sabihin na congratulations dahil isa ka pa ring certified Kapuso. Congratulations sa inyong renewal,” mensahe ni Julie Anne.

Naging espesyal para kay Julie Anne ang kanilang naging pagsasama sa Maria Clara at Ibarra, kung saan ginampanan nila ang mga pangunahing karakter na sina Maria Clara at Crisostomo Ibarra.

Ayon sa singer-actress, malaking pagkakataon para sa kanya ang makatrabaho si Dennis at umaasa siyang mauulit pa ito sa hinaharap.

“Napakasaya ko dahil nagkaroon ako ng opportunity na makatrabaho ka sa isang proyekto and of course, we are all looking forward para sa iyong future projects. At sana magkatrabaho ulit tayo,” ani Julie Anne.

Samantala, muling mapapanood si Dennis bilang Crisostomo Ibarra sa rerun ng Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, alas-4:30 ng hapon sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.