Advertisers
Ni Beth Gelena
Aligaga si Nadine Lustre sa pagpo-promote ng kanyang bagong kanta na Personal.
Aniya sa kanyang Instagram Stories, *Personal MV at 8pm”
Una agad na nagkomento ay si Anne Curtis, aniya, “Uhmmmmm! Ok seattteeeedddd with fire emoji”
Nagpasalamat naman ang award-winning aktres.
Ang Personal song bale ang pagbabalik ng aktres sa musika after three years kung saan ang huli niyang single ay Overgrown noong 2023.
Ang Personal song ay base sa mga lumalabas na reactions ng listeners, mas nakatutok sa dance-pop/early-2000s club sound.
Napansin din ng kanyang supporters na may halo ring rap verse ang kanta.
Ikinumpara pa ng ilang listeners na ang tema ng kanta ay vibe kina Britney Spears at Gwen Stefani.
Mas self-expressive daw ang dating, bagay sa direction ni Nadine bilang artist.
Noong July 2026, sinabi niya na nami-miss niyang gumawa ng music at isa sa mga gusto niyang balikan ay ang paggawa muli ng mga kanta.
Komento pa ng netizens, “ang ganda pang international ang MV mala Nicole SCherzineger at Rihanna”
“Grabee yun visual feastt! ”
“Nay ang galing mo parang di ka trentahin sa Pa dance mo”
“She ate. She chewed. She swallowed”
‘Pang Hollywood and ataki”
“Hawak mo ang best Nadz”
“SB19 feat Nadine Lustre, when? ”
May nagsasabi ring “its giving JLo”
Sabi naman ng isa, It’s giving Tate Mcrae vibe”
“Angas ng MV”