Advertisers

Advertisers

KZ Tandingan, ayaw ma-pressure sa pagkakaroon ng anak

0 13

Advertisers

Ni Camille Guarin

“I want to make sure that I’m not a baby taking care of a baby,” saad ni KZ Tandingan sa Gandang Gabi Vice.

Sa panayam, napag-usapan nila ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang mga makukulit na tanong sa kanila tungkol sa pagkakaroon ng anak.



Ani Vice, “Di ba may mga mag-asawa na parang very uncomfortable kapag napag-uusapan o natatanong, lalo na sa Pilipinas, laging tinatanong, gaano na kayo katagal, bakit wala pa kayong anak? Kayo, kapag natatanong kayo about doon kasi medyo matagal na rin kayong mag-asawa, for sure may mga makukulit. How do you deal with them?”

Ayon kay KZ, mas ready raw si TJ na maging daddy kaysa sa kanya.



“Personally, sa aming dalawa kasi ni TJ, mas siya talaga ’yung ready na maging daddy. Ever since naman, siya talaga ’yung nag-o-open up na ‘ready na siyang maging tatay.’ Ganyan.

“It’s more on my side na nando’n ako sa… may mga gusto pa akong gawing bagay sa career ko, may gusto pa akong i-build sa sarili ko as a person, as a woman.



“I want to make sure that I’m not a baby taking care of a baby. Pag sinasabihan kami na may pera, sold out ’yung mga shows, it just doesn’t end with that. It’s a lifetime responsibility.” Ani Kz

“Ayoko na mag-anak lang ako because I was pressured into becoming a mom,” dagdag pa niya.

Well, may point ka d’yan, KZ.

***

Ipinakita ng Kapamilya singer na si Justin Mclaire ang kanyang romantic side sa bagong EP na “OUTLOUD.”

Tampok sa EP na inilabas ng StarPop ang iba’t ibang kuwento ng pag-ibig at patuloy na pagpili sa isa’t isa sa gitna ng saya at mga pagsubok.

Mula sa komposisyon nina Dennis Campañer, Russu Laurente, Rex Torremoro, Ron Pangyarihan, Trisha Denise, at ABS-CBN Music creatives, content, and operations head Jonathan Manalo ang mga awitin, habang nagsilbing overall producer ang StarPop label head na si Roque “Rox” Santos.

Unang awitin sa EP ang “Click,” na tungkol sa pagiging komportable kasama ang taong iniibig. Sinundan ito ng “Sang Ayon,” na umiikot sa pagiging sigurado sa taong mahal kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao tungkol sa kanilang relasyon.

Sa “Pahina,” inihalintulad ang pag-ibig sa isang libro kung saan bawat pahina ay may kuwentong puno ng saya at pagsubok. Hatid naman ng “Tara Tara” ang feel-good na road trip vibe tungkol sa excitement ng paglalakbay basta kasama ang taong mahal.

Ang simpleng kilig ng paghihintay sa mensahe ng special someone ang tampok sa “Fave Notiff,” habang ipinapakita naman ng “Lilipad” ang saya at excitement ng unti-unting pagkahulog sa isang tao at pagiging sabik na makasama siya.

Noong nakaraang taon, inilabas ni Justin ang kanyang self-titled debut EP sa ilalim din ng StarPop, na naglalaman ng mga kantang “Bining Pantasya” at “Love Me Back.” Bukod sa musika, sumabak din siya bilang aktor at napanood sa ABS-CBN series na “Blood vs Duty,” “Love Is Never Gone,” “Sins of the Father,” at pelikulang “Tirik.”

Napapakinggan na ang “OUTLOUD” EP ni Justin Mclaire sa lahat ng digital streaming platforms.