Advertisers

Advertisers

MAG-IINA NATAGPUANG BANGKAY SA LOOB NG KOTSE SA BULACAN

0 4

Advertisers

NATAGPUANG patay ang isang babae at dalawa niyang menor de edad na mga anak sa loob ng isang sasak-yan sa Barangay Talacsan, San Rafael, Bulacan, Huwebes ng hapon, August 20.
Kinilala ang mga biktima na isang 31-anyos na ina, habang edad 9-anyos at 4-anyos ang mga anak, residente ng Baliwag City, Bulacan.
Batay sa paunang ulat mula sa San Rafael Municipal Police Station, 2:11 ng hapon nang makarating sa kanilang istasyon ang ulat na may isang abandonadong sasakyan sa nasabing barangay.
Kulay silver ang sasakyan na nakaparada sa isang bakanteng lote.
Nang silipin ang loob ng sasakyan, nakita ang bangkay ng tatlong tao na nasa likod ng MPV.
Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nabatid na huling nakita ng ama ang mga mag-iina niya 5:00 ng hapon ng Miyerkules, August 19.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa karumal-dumal na krimeng ito. (Thony Arcenal)