Advertisers

Advertisers

Titser binantaan babarilin sa bunganga si Usec. Castro nasa peligro

0 3

Advertisers

PATONG-PATONG na kaso ang posibleng kaharapin ng isang guro mula sa Danao City, Cebu dahil sa bantang babarilin sa bunganga si Palace Press Officer Atty. Claire Castro.
Sa kanyang vlog, sinabi ni Castro na hindi simpleng grave threat ang pagbabantang ginawa ni Zenith Enriquez dahil online ito ginawa at may kulong na hanggang apat na taon kapag napatunayan.
Bukod dito, maaari ring makasuhan ng kasong administratibo si Enriquez at puwedeng matanggalan ng lisensiya bilang guro.
Sinabi ni Castro na dahil sa kanyang social media post ay posibleng mawalan ng trabaho ang gurong nagbantang babarilin siya sa bunganga.
Dapat aniyang maging responsable sa mga pino-post sa social media dahil maaari silang gayahin ng mga estudyanteng umiidolo sa kanila.
Hindi naman tinukoy ni Castro kung sasampahan niya ng kaso si Enriquez sa ginawang pagbabanta sa kanya.