Advertisers
Sa susunod na founding anniversary celebration ng Philippine National Police (PNP), hahakot ba ng parangal at tatanghalin bang “Best Police District” ang Eastern Police District (EPD)?
Naitanong natin ito at masasabing malaki ang posiblidad dahil sa magagandang bunga ng probadong programang EPD SHIELD ni Acting District Director PBGen Melecio M. Buslig, Jr.. Kaya, hudyat na ba ang mga positibong epekto ng SHIELD upang hiranging sa Enero 2027 ang distrito?
Kamakailan, inilabas ng Regional Plans and Strategic Management Division (RPSMD) ng NCRPO ang pinakabagong Unit Performance Evaluation Rating (UPER) para sa buwan ng Hunyo at Hulyo 2026. Nanatiling nakatayo sa No. 1 spot abg EPD.
Pero ang mas nakakabilib, magkakasunod na 16 buwan (mula Abril 2025 hanggang Hulyo 2026) na hawak ng EPD ang Top 1 sa buong Metro Manila. Bagamat dalawang buwan o halos 100 araw na si Gen. Buslig sa EPD ay nagawa niyang napanatili ang puwesto ng EPD.
Katunayan, mula nang ipatupad ni Gen. Buslig ang kanyang flagship program—ang EPD SHIELD (Securing Barangay, High Visibility, Integrity Monitoring, Engaging Communities, Leveraging Technology, at Decisive Operations) lalo pang tumibay ang pundasyon ng distrito.
Ang mapanatili ni Gen. Buslig sa pagiging NUMERO UNO ng EPD ay hindi isang suwerte kundi malinaw na ito ay nasa sistema. Hindi rin biro ang pamamayagpag ng 16 na buwan na tagumpay – bunga ito ng dugo’t pawis ng kapulisan. Pinaghirapan ito at hindi ito isang tsamba….higit sa lahat, ito rin ay resulta ng pagpapatupad ng SHIELD sa pang-araw-araw na operasyon ng pulisya.
Isa sa paktor na napanatili ang kinatatayuan ng EPD ay ang disiplina at katapatan sa serbisyo – sa pagpapalakas ng internal cleansing at pagbibigay-diin sa disiplina, mas naisasaayos ng mga tauhan ang pagsisilbi nang walang alinlangan sa publiko.
Heto naman ang mapagpakumbabang pahayag ni Gen. Buslig sa bumubuo sa puwersa ng EPD…. “This recognition is a victory for the entire Team EPD. Being ranked No. 1 NCRPO-wide for two consecutive months is a testament to the hard work, discipline, and commitment of every police officer and personnel. This achievement inspires us to do even better and remain steadfast in our mission to provide safe, secure, and quality police service to our communities.”
“The achievement was made possible through the concerted efforts of the EPD Command Group, COP PaMaMariSan CPS, FC, DMFB, District Staff, and all personnel of the Eastern Police District, whose dedication and professionalism have contributed significantly to the District’s sustained performance.”
Ang katanungan, may laban ba ang EPD para sa Best Police District sa PNP Anniversary sa Enero 2027?
Hindi matatawaran ang ipinakita ng EPD – ang pananatiling NUMERO UNO (TOP ONE) sa UPER evaluation sa loob ng mahigit isang taon, isa itong napakalaking karangalan.
Dahil dito, hindi natin maiwasan itanong o ng nakararamin na…”Nakahanda na ba ang Best Police District award para sa EPD sa darating na Enero?” Paano iyan, ngayon pa lamang ay tila’y may kampeon na – 16-buwan bang mapanatili ng EPD ang parangal na TOP ONE sa UPER evaluation. Obvious na di ba?
Hindi naman siguro lingid sa kaalaman ng apat pang distrito ng pulisya sa Metro Manila na napakahirap nang pantayan ang consistency na ipinapakita ng Team EPD na binubuo ng mga pulisya mula sa mga lungsod ng Pasig, Mandaluyong, Marikina, at San Juan (PaMaMariSan), at siyempre kasama ang buong Command Group at District Staff, kung saan ito ang mga nagbigay ng matibay na dahilan upang tanghalin silang pinakamahusay na distrito sa Metro Manila.
Alams na kung sino ang susunod na Best Police District sa PNP Annivesary!