Advertisers
Advertisers
Advertisers
HINDI tinanggap ni Akbayan party-list Representative Perci Cendana ang paghingi ng “sorry” ng prinsipal ng Dimasalang National High School sa Masbate na si Emmanuel Bulanon, matapos siyang insulthin sa social media post at dalawa pang personalidad.
Tama lang!
“Lumang modus na yang ‘post first, public apology later’. Apology is not accountability,” rason ni Cendana na isang stroke survivor.
Ang dalawa pang personalidad na hinamak ni Bulanon sa kanyang controversial post ay sina Atty. Jess Falcis at Akbayan party-list Chel Diokno.
Tirahin daw sa puwet si Falcis. Labas ngipin naman si Diokno.
Si Bulanon ay isang DDS. Binura na niya ang kanyang mga post laban sa tatlo. Pero may screen shot nito si Cendana.
Naghahanda na sina Cendana at Falcis ng mga reklamong isasampa laban sa prinsipal.
Isa pang DDS na babaeng guro ang nakatakda namang kasuhan ni Malacanang spokesperson Undersecretary Claire Castro ay si Zenith Enriquez ng Danao City, Cebu na nag-post na babarilin niya sa bibig ang opisyal.
Sunud-sunod ang kontrobersiya sa hanay ng mga guro, na nagpo-post ng pang-iinsulto at pagbabanta laban sa mga opisyal.
Ang mga guro na ito, na nawala na sa katinuan, ay DDS. Dapat silang mabigyan ng leksyon. Tanggalin sa puwesto!!! Now na!
***
SINABI ng Malakanyang na naniniwala sila “in a way” na napatunayan na sa impeachment trial para ma-convict si Vice President Sara Duterte sa maling paggamit ng kanyang confidential funds.
Nabuking ito sa mga naging statement ng kanyang dating Special Disbursing Officer na si Gina Acosta sa impeachment trial.
Sa mga pagtatanong ng prosecutors, paulit-ulit na ipinagdiinan ni Acosta na ang lahat ng kanyang ginawa ay utos lamang ng kanyang boss, si VP Sara.
Malamang din na makasama sa makasuhan ng Plunder si Acosta. Dahil accessories of the crime siya. Mismo!
***
SINABI ni Ombudsman “Boying” Remulla na ang Davao City ay “epicenter” ng flood control corruption.
Pinag-aaralan aniya ngayon ang mga ebidensiya na may kaugnayan sa naturang mga iregularidad.
“Hindi lang ho madali talaga sapagkat, sabihin natin, ang epicenter po ng flood control bago dumating ang Marcos administration ay ang Davao City,” pagbubunyag ni Remulla sa House budget deliberations nitong Martes.
“Davao po iyong ecosystem na aming tinutukoy dahil doon po ang maraming pondo na pumasok daw sa flood control. ‘Yan po ang aming kinakalap ng husto.”
Kung matatandaan, si Congressman Paolo Duterte ay nagkaroon ng P51 billion pondo sa kanyang unang termino noong patapos ang termino bilang Presidente ng kanyang ama.