Advertisers

Advertisers

200 BFP personnel, officials iniimbestigahan sa ‘slot for sale’

0 3

Advertisers

NASA 200 personnel ng Bureau of Fire and Protection (BFP) na kinabibilangan ng mga regional director ang iniimbestigahan hinggil sa umano’y “slot for sale”, ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla.
Ito ang inihayag ni Remulla bilang bahagi ng isinasagawang paglilinis sa hanay ng BFP laban sa mga tinwa-ling personnel at opisyal ng ahensiya sa isinagawang press conference sa Camp Crame sa Quezon City nitong Biyernes ng umaga.
“Binabalaan ko na ang lahat ng opisyal ng BFP lumabas na kayo ngayon at umamin kayo or hahabulin namin kayo hanggang matapos ang career niyo. Ang inimbestigahan namin ngayon ay lumagpas ng 200 tao na tungkol sa slots for sale.” Pahayag ni Remulla.
“Again I am warning you, I am serious and I will go after all of you. Hindi ako matitigil hanggang makulong kayo lahat, matanggal sa serbisyo at kung anumang kasama na ihatol sa inyo ng batas ay hindi po ako titigil. We will clean this organization,” saad ni Remulla
Sinabi ni Remulla na sa “slot for sale”, ang lowest na narinig nila ay P100,000; ang highest ay P800,000 para makapasok ng BFP.(Mark Obleada)