Advertisers
PERA ang kahinaan ni Misfit Sara. Masiba siya sa pera. Sobrang ganid sa pera. Labis na gahaman. Dahil pinalaki sa layaw ni Gongdi lalo na noong siya ang pangulo, namihasa si Misfit na nakukuha ang bawat naisin lalo na pagkakaroon ng maraming salapi upang isulong ang pansariling interes.
Ngunit hindi mapanlikha si Misfit Sara. Hindi siya sanay na magbatak ng buto upang kitain sa tamang paraan ang sariling pera. Tulad ng ama na mamamatay tao at mandarambong, walang alam si Misfit Sara kundi dambungin ang kaban ng bayan. Ang tanging alam ay magkaroon ng confidential fund at ibulsa sa sandaling makuha ito.
Nakakuha si Misfit ng kabuuang halos P2.7 bilyon na confidential fund sa anim na taon na siya ang alkalde ng Davao City. Ipinagkaloob ang confidential fund ng konseho ng siyudad. Pinakamalaki sa buong bansa ang confidential fund ni Misfit. Mas malaki ito sa confidential fund ng Makati City at Quezon City, ang dalawang pinakamalaking siyudad sa buong bansa.
Ito ang dahilan kung bakit kontra si Risa Hontiveros sa confidential and intelligence fund (CIF). May malinaw na paninindigan si Risa at kanyang nilinaw ito noong 2022 ng pumutok ang isyu ng confidential fund na karaniwang ninanakaw ng mga gahamang pulitiko tulad ng mga Duterte (ama at mga anak).
Hindi tanggap ni Risa ang confidential and intelligence fund sa mga ahensya ng gobyerno na sibilyan ang tungkulin. Hindi dapat bigyan ng CIF ang mga ahensya na walang mandando sa batas upang gumanap ng mga tungkulin na pangseguridad ng bansa.
Sinabi ng isang kalatas ng kanyang tanggapan: “Risa Hontiveros is anti-CIF for civilian agencies without security mandate, pro-CIF only for agencies with clear national defense, law enforcement, public safety mandate and expertise — and for civilian agencies, allocation must meet extraordinarily compelling reasons test, otherwise realign to service delivery.’
Nang tanungin si Risa kung dapat ibigay ang hinihinging P150 milyon na confidential fund ng Deped para sa budget nito sa 2023, tumanggi siya at nagsabing: “There are no extraordinarily compelling reasons to provide DepEd with a confidential fund.”
Hiningi ni Risa sa Senado na ilipat ang panukalang P150 milyon na confidential fund ng Deped sa edukasyon ng mga katutubo. Walang batayan ang Deped na tiktikan ang mga galawan sa isyu ng pambansang seguridad tulad ng sinabi nga kalihim ng Deped noon na si Misfit, ani Risa.
Ngunit may batayan sa ilalim ng RA 9155 na magbigay ag Deped ng karampatang edukasyon sa mga katutubo. Ani Risa: “The present-day Department of Education was eventually mandated through RA 9155 Governance of Basic Education Act 2001 which establishes mandate of this agency. So ano pong mga probisyon na RA 9155 ang [nagbigay pahintulot] ng intelligence collection efforts ng DepEd?”
Katwiran ni Risa: “It seems pag-generate of useful intelligence ay napaka-specialized, even niche na professional activity… intelligence cycle… So in what ways ito mashe-share o mako-coordinate… para ma-reduce duplication of efforts.”
“I would still aver na if we leave intelligence to experts, kahit sa loob ng DepEd, nanatili siyang intelligence user, pero yung nagge-generate ng intel is still yung mga intel agencies natin,” aniya. Kaya iwan ang tungkulin sa seguridad sa DND, AFP, at iba pang ahensya at huwag sa Deped.
Nang sumingaw ang iskandalo tungkol sa pagwaldas ni Misfit Sara sa P125 milyon confidential fund ng OVP sa loob ng 11 araw, kagyat na hiniling ni Risa na magpatawag ang Senado ng isang imbestigasyon upang alamin kung bakit at paano nangyari ang paglustay.
Nang lumutang ang paglustay sa confidential fund ng Deped, sinabi ni Risa: “This only confirms what many of us have feared — allocation of such significant budget to agency mandated for education, not conducting surveillance, was misguided from start. Officials can’t just wash hands of DepEd’s confi funds use.”
Hindi dito nagtapos ang pagtutol ni Risa sa paglustay ng confidential fund ng OVP at Deped. Kahit sa impeachment trial ni Misfit sa Senate impeachment Court (SIC), hindi naitago ni Risa sa kasibaan ni Misfit Sara sa confidential Sara.
Batid niya na sa pagkahaba-haba ng paliwanag ng mga bataan niya, ninakaw ni Misfit ang pondo ng bayan. Minsan nagbigay si Risa ng pahiwatig na mahirap lulunin ang paliwanag na namigay ng gamot ang kampo ni Misfit bilang pabuya sa ga nakalap na impormasyon kaugnay sa communist insurgency.
Ani Risa sa harap ng prosecution witness CoA auditor Roderick Wamil pagkatapos ng paliwanag ng huli na ginamit umano ang P125 milyon confidential fund ng OVP upang bumili ng gamot na pabuya sa mga impormante: “Are informants sick? OVP using confi funds to buy medicines as reward: Are informants sick?”
Si Risa rin ang humiling na enmenyadahin ang CoA-DBM-DILG-GCG Joint Circular 2015-01 na nagtatakda ng ga alituntunin sa paggamit at liquidation ng confidential fund na ibinigay sa isang ahensya. Nais ni Risa na magkaroon ng mas mahigpit na dahilan at malinaw na patakaran sa liquidation ng confidential fund. Dapat magkaroon ng patunay ng tagumpay at hindi acknowledgment receipt lang.