BUHAY NA ULI ANG SUGAL SA MINDORO MATAPOS ANG MALAWAKANG CRACKDOWN NG PNP NA IPATIGIL ITO DAHIL SA PATAYAN?
Advertisers
Ang pagtuligsa sa ilegal na sugal at sa mga protektor na pulitiko ang isa sa mga pangunahing motibong tinitingnan ng mga awtoridad sa pagpatay sa radio broadcaster na si Cresenciano “Cris” Bundoquin noong Mayo 31, 2023 sa Calapan City, Oriental Mindoro.
Si Bundoquin, ay komentarista ng DWXR 101.7 Kalahi Mo FM at may-ari ng MUX Online Radio, ay kilala sa kanyang matatalas na kritisismo laban sa mga ilegal na pasugalan sa Oriental Mindoro.
Mistulang nabaon na yata sa limot ang pagpatay sa kasama naming mamamahayag dahil buhay na buhay na naman ang presensya ng ilegal na sugal saan mangsulok sa Oriental Mindoro lantad ang operasyon ng mga Peryahan na pulos sugal tulad ng ‘color games at drop ball (pingpong) baraha’ ang naging dahilan kaya itinumba ang mamamahayag.
Ayon kay dating PNP Chief PBGen. Benjamin Acorda Jr., noon na masyado pang maaga para sabihing work-related ang motibo sa krimen.
Pero giit ni Acorda, lahat ng anggulo ay kanilang titignan upang matukoy ang tunay na dahilan sa pagpatay sa broadcaster.
Kaya bumuo ang PNP ng isang Special Investigation Task Group (SITG) na siyang tututok sa imbestigasyon sa nangyaring pananambang kay Bunduquin.
Ilang taon na ang lumipas at habang tumatagal palabo ng palabo na makamit ng pamilya Bunduquin ang hustisya.
Malabo ng mapanagot ang mga nasa likod at mastermind sa krimen na anak ng dating mayor, police major at mataas na opisyal ng probinsya.
Halos putong buwan din na natigil ang operasyon ng ilegal na sugal habang iniimbestigahan ang nooy pamamaslang.
May impormasyong pinarating sa BALYADOR mula sa isang indibidwal na ayaw magpabanggit ng kanyang pangalan bilang proteksyon na rin umano sa kanya.
Aniya ang mga utak at mastermind na mga sindikato ng ilegal na sugal na nagpatumba kay Bunduquin ay sila rin ang kumontrara ng riding-in-tandem para itumba ang broadcaster na si Virgil Bico noong nakaraang taon sa may Barangay Pachoca, Calapan na tumutuligsa din sa ilegal na sugal sa Naujan na sinasabing nasagasaan ang negosyong sugal ng mga biktima.
Sinabi ng source na hindi raw inimbestigahan noon ng SITG ang isang mediamen na nagtatrabaho noon sa Calapan City Hall bilang “PR Man” na inutusan na kausapin si Bunduquin na itigil na ang pagbatikos sa illegal gambling sa Calapan dahil sa nagagalit na umano ang kanyang boss, ilang araw bago itumba si Bunduquin noong Mayo 2023.
Ayon sa Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), ang tinitignang anggulo ay ang talamak na operasyon ng ilegal na sugal sa probinsya tulad ng Peryahan na pulos sugal na madalas binabatikos ni Bunduquin sa kanyang programa.
Dahil sa direktang koneksyon ng ilegal na sugal sa krimen, naglunsad ng malawakang crackdown ang Philippine National Police (PNP) at mga lokal na otoridad upang tuluyang ipatigil ang mga ilegal na pasugalan at peryahan habang gumugulong ang imbestigasyon.
Makalipas ang ilang taon muling namamayagpag ang mga Peryahan na pulos sugal sa hurisdikayon nina Oriental Mindoro provincial director PCol Edison Revita at PRO4B MIMAROPA regional director PBGen Christopher Dela Cruz na ipinagtataka ng mga mindoreño dahil sa hindi pa umano nareresolba ang Bico at Bunduquin murder case.
Ang tanong paano ito nakakalusot kina Col Revita at Gen. Dela Cruz ?
Subaybayan natin!
***
Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com