Advertisers
ISINAMPA na nitong Lunes ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang kasong Plunder laban sa pinsan ni Pangulong Bongbong Marcos na si dating House Speaker Martin Romualdez.
Kaugnay ito ng mga “kickback” sa maanomalyang flood control projects, na kinasasangkutan din ng “partner” noon ni Romualdez na si dating House Appropriation Committee chair Zaldy Co ng Ako Bicol Party-list at founder ng “manlolokong” Sunwest Construction.
Si Zaldy Co ay nagtatago na sa ibang bansa. Wanted na siya sa Pilipinas.
Sa pagsampa ng kaso sa Sandiganbayan, malamang na maisyuhan na ng arrest warrant si Romuadez anumang oras mula ngayong Martes, Sept. 8.
Mabuhay ka, Ombudsman Boying Remulla!
***
ISASAMPA narin ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DoJ) ang mga ebidensiyang nakalkal sa umano’y katiwalian sa pondo ng 2019 SEA Games na kinasasangkutan ni Senador Alan Peter Cayetano.
Isa sa mga natuklasang katiwalian ng NBI ang overpriced na golden cauldron na sinasabing nagkakahalaga ng P55 million, pero ang totoo ay P5 million lamang pala ang pagpagawa nito!
Plunder din ito!
Si Cayetano ay nahaharap din sa maraming kasong non-bailable na isinampa naman ni Senador “Ping” Lacson regarding sa mga katiwalian sa proyekto sa Taguig City.
Malamang na madadale rito si Alan.
***
Malupit talaga itong mag-asawang Curlee at Sara Discaya noong termino ni ex-President Digong Duterte.
Mantakin mong nakakuha sila ng P13 billion halaga ng proyektong school buildings gamit ang kanilang mga kompanyang Alpha & Omega at DSt. Timothy.
Ang isa pang kompanyang nabigyan ng bilyones na halaga ng proyektong school buildings ay ang pag-aari ng magkapatid na Christopher at Zaldy Co.
Bago pa umupo si PBBM noong 2022 ay nakakuha na ng advance na kontrata ang kompanya nina Co na Hi-Tone Construction, na lalo pang namayagpag nang maupong House Appropriation chair si Zaldy.
Talagang ubod ng sakim ng mga walanghiya! Eh sinu-sino naman kaya ang mga kasabwat nina Discaya at Co sa mga opisyal ni Digong that time? Hindi kaya si Sen. Bong Go na noo’y nagsisilbing little president?
Maraming mapapakulong si Ombudsman Remulla dito!
***
Ang gusto pala mangyari ni VP Sara Duterte nang maisyuhan siya ng arrest warrant ng Quezon City RTC last week ay makulong siya ng nakaposas.
Pero hindi ito ginawa ng PNP, sa utos ni DILG Sec. Jonvic Remulla, bilang respeto narin daw sa posisyon ni Sara.
Ang ginawa ni Sara ay nagsadya sa QC RTC araw ng Sabado para magpiyansa, at doon naman nag-drama. Sasakay lamang daw siya ng elevator kung kasama ang taumbayan. Ayaw din niya dumaan sa hagdan dahil baka itulak siya. Pag namatay daw siya roon, sino ang mananagot.
May mental problem si Sara. Sabi ng veteran journalist na si Ramon Tulfo: Sa National Mental Hospital dapat ipasok si Sara, hindi sa city jail. Hehehe…