Advertisers
WALA nang kinalaman ang Commission on Elections sa kinakaharap na kasong kriminal ni Senador Rodante Marcoleta, ayon kay Chairman George Erwin Garcia.
Paglilinaw ni Garcia, tapos na ang papel ng Comelec sa kaso ng senador sa Sandiganbayan kaugnay sa campaign contributions nito noong 2025 National and Local Elections .
Sinabi ni Garcia na usapin ng donasyon, kontribusyon at SOCE ang saklaw lang ng Comelec.
Ginawa ni Garcia ang pahayag nang sabihin ni Marcoleta sa pagdinig na dapat Comelec ang humarap ng kaso at hindi ang Sandiganbayan.
Aniya, tapos na ang tungkulin ng Comelec sa criminal aspect at wala nang pending case sa kanila. Multa nalang ang dinidinig nila ngayon .
Pero babala ni Garcia, puwede paring kasuhan ng ibang ahensya ang senador at ang mga donor kung may nilabag na ibang batas .
Nilinaw din ng poll chief na hindi ibig sabihin, ligtas na sa kaso ang mga nag-donate kay Marcoleta. (Jocelyn Domenden)