Advertisers
Nanawagan si Bulacan Gov. Daniel R. Fernando sa pamahalaan at lokal na pamahalaan maging sa mga ahensya ng gobyerno na magkaisa at magsagawa ng mabilisang aksyon upang lutasin ang matagal nang problema ng pagbaha sa lalawigan.
Ang direktiba ng punong lalawigan ay linisin ang mga baradong daluyan ng tubig, kumpunihin ang mga flood-control infrastructure, at kumilos nang hindi nagtuturuan.
Sa ginanap n inter-agency meeting sa The Capitol Hostel sa Malolos noong Set. 3, 2026, inilatag ni PDRRMO Chief Manuel M. Lukban Jr. na ang tunay na sanhi ng pagbaha sa mga apektadong komunidad ay ang mga baradong mga daluyan ng tubig (clogged waterways), mabababaw na ilog dahil sa matinding siltation at banlik, iresponsableng pagtatapon ng basura sa mismong mga estero at ilog, mababa, makikitid, o sirang culverts, mga butas at bitak sa flood dikes, mahihinang pumping stations at napabayaang floodgates.
Nilinaw ng PDRRMO na taliwas sa karaniwang persepsyon na hindi simpleng high tide ang pangunahing sanhi ng pagkakaipon ng tubig- baha sa naturang mga lugar.
Tinukoy din sa naturang pulong ang matinding pagbaha sa Hagonoy, Calumpit, Guiginto, Pandi, Meycauayan, Balagtas at Malolos City.
Inatasan din ni Fernando ang DPWH na suriin ang pondo sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) para sa flood mitigation sa mga nabanggit na lugar na natukoy at ilatag ang malinaw na timeline ng implementasyon.
Nanawagan din ang gobernador sa National Irrigation Administration (NIA) na simulan agad ang clearing operations sa mga irigasyon at irrigation canals na sakop ng kanilang hurisdiksyon.
Pinatututukan din ni Fernando sa DILG ang mahigpit na pagpapatupad ng Solid Waste Management Act sa antas ng bawat barangay upang pigilan ang pagtatambak ng basura sa mga daluyan ng tubig.
“Magtulung-tulong po tayo, magsama-sama tayo… Huwag tayo magturuan kung sino ang gagawa.” — sabi ni Gov. Fernando
“Gagamitin ng pamahalaang panlalawigan ang Quick Response Fund (QRF) upang makabili ng mga kagamitang magpapabilis sa dredging at drainage maintenance, tulad ng:
Amphibious backhoes (para sa paghuhukay sa barges at mabababaw na ilog), Vacuum jetting trucks (para sa paghigop ng burak at bara sa drainage systems), High-capacity mobile pumps (para sa emergency water diversion).” – sabi ng gobernador
Sa naging pulong ng Inter-agency flood coordination meeting noong Setyembre 3, 2026
kritikal na umano ang mga bayan at lungsod ng Malolos, Guiguinto, Balagtas, Pandi, at Meycauayan. Pangunahin umanong sanhi: siltation, basura, sirang dikes, at mahihinang pumping stations.
Ipinag-utos ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ang sabay-sabay at nagkakaisang pagkilos ng LGUs, DILG, DPWH at NIA, upang wakasan na ang sisihan at paninisi sa patuloy na pagbaha na nararanasan ng lalawigan.
Habang sinusuri ang mga pondong nakalaan sa pambansang badyet para sa flood control, gagamitin ng lalawigan ang emergency funds para sa mga heavy equipment fleet upang maibaba ang lebel ng tubig sa mga apektadong mamamayan.
@@@
Samantala, dinaluhan naman ni Gov Fernando ang pagbubukas ng 14th Bulacan Food Fair and Exposition (BUFFEX) sa Singkaban Festival 2026!
Ayon kay Fernando mahalaga ang mga ganitong pagtitipon upang bigyang-daan ang MSMEs at lokal na negosyante na maipakita ang kanilang sipag, galing, at malikhaing produktong Bulakenyo.
“Sa bawat pagtangkilik natin sa sariling atin, itinataguyod natin ang mas malawak na merkado at mas maunlad na kabuhayan para sa ating lalawigan.Suportahan at ipagmalaki natin ang gawang Bulakenyo.” – sabi ng gobernador
***
Anumang reaksyon o suhestiyon i text sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com