Advertisers
DINAKIP ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Korean fugitive na ‘wanted’ sa kanyang bansa, sa isang operasyon sa Makati City, kung saan nahuli din ang isa pang Korean na walang dokumento.
Dinakip ng BI Fugitive Search Unit (FSU) na pinamumunuan ni Rendel Ryan Sy, ang Koreano na si Son Jongin, 65, sa isang enforcement operation sa isang residential area san Barangay Comembo, Makati City, sa pakikipag-ugnayan saKorean National Police Agency (KNPA).
Ayon kay Sy, lumitaw sa BI records na ang South Korean government ay dati nang nagsabi sa BI na si Son ay may arrest warrant na inisyu ng Nonsan Branch ng Daejeon District Court sa South Korea noong 2020 dahil sa kasong fraud.
Si Son ay napatunayan ding ‘undocumented and overstaying in the Philippines’ at itinuturing nsa isang ‘fugitive from justice who posed a risk to public safety and security.
Sa pagpapatupad ng warrant, naengkwentro din ng BI agents si Song Ung Il, 85, na isa ring Korean national. Sa records, siya ay may deportation order noong 2015 pa ‘for being improperly documented.’
Ang dalawang banyaga ay nai-turn over na sa BI Warden’s Facility kung saan sila mananatili habang nakabinbin ang kanilang kaso. (JERRY S. TAN)