Advertisers

Advertisers

Navotas Running Club, ipinagdiwang 22nd anniv. sa 10K run

0 24

Advertisers

Ipinagdiwang ng Navotas City Running Club (NCRC) ang ika-22 anibersaryo nito sa pamamagitan ng isang 10-kilometrong anniversary run nitong Linggo, Setyembre 13, 2026, na pangungunahan ng organizer na si Raul Roco.
Isinagawa ang karera 4:00 ng madaling-araw sa C4 Bridge, Navotas City, bilang bahagi ng selebrasyon na may temang “22 Years of Running as One.”
Ayon sa race details, daraan ang mga runner sa rutang C4 Bridge patungong C3 Intersection at pabalik, na uulitin nanglimang beses o 5 loops upang makumpleto ang 10K distance.
Nakatakdang tumanggap ang mga kalahok ng race shirt at race bib, habang may cash prizes para sa mga top finishers. May raffle entry rin para sa lahat ng participants.
Ang naging registration fee ay P500, habang P300 naman ang bayad para sa kasalukuyang miyembro ng Navotas City Running Club.
Layunin ng aktibidad na hindi lamang ipagdiwang ang mahigit dalawang dekadang pagkakabuo ng running club kundi palakasin din ang pagkakaisa at pagkahilig sa pagtakbo at malusog na pamumuhay sa komunidad.
“Running as One” ang mensaheng tampok sa selebrasyon ng NCRC sa kanilang ika-22 taon.(R.Ang)