Advertisers

Advertisers

OKS si Paeng!

0 7

Advertisers

Kung hindi umulan noong nasa Baguio mga 6 na dekada ago si Paeng Nepomuceno at ama nitong si Angel ay hindi magiging bowling legend ito.

Noong bata pa siya ay golf ang sport talaga ng tatay niya at nandoon sila para pumalo sa Camp John Hay. Kaso malakas ang iyak ng kaulapan. Para may magawa at hindi mainip ay sumubok siyang mag-bowling sa Mile- Hi. Hayun natuto at naging pambato ng Pinas

Rafael ang tunay na pangalan at tinatawag din ng mga magulang na Rafaelito. Ngun’t may mga karpintero sa bahay nila na may kinumpuni. Ang palayaw ng mga anluwage sa ating GOAT sa bowling ay Paeng. Mula noon ay yun na rin taguri ng pamilya niya sa kanya.



Ngayon ay coach na at certified na magturo ng sport ng Estados Unidos sa mga mamamayan ng mga English speaking na bansa. Katatapos nga lang niya ng 3-day course sa Paeng Bowling Lanes sa Eastwood.

Isa ang 6-2 na premyadong manlalaro sa tatlong atletang Pinoy si Paeng na ginawarang ng pagkilala ng samahang Sagisag ng Pilipinas.



Siya pa ang unang pinagkalooban ng SNP ng rekognisyon. Sumunod sina Efrem Bata Reyes at Luisito Espinosa.

Yan ay ilan sa mga kwentong Paeng noong Lunes sa OKS@DWBL. Espesyal na bisita ang 4x na World Cup champ sa 14 na taong programa.



Co-host natin si Bob Novales sa episode na ito na hatid ng Optimo Coffee Mix.

***

Nagkaroon ng Fans Day si Alex Eala noong Miyerkules bago ang laban niya nitong Huwebes sa Singapore Open

Libo-libong kababayan ang nagpakita sa meet and greet event. Grabe na talaga ang Eala mania. Kabilang sa dumalo ay si Jeff Canoy ng ABSCBN na nandoon bilang tagahanga at hindi reporter. Sumusunod ang mga Pilipino kung saan man ang mga match niya. Tiyak sa Nagoya sangkatutak muli ang dadagsa sa venue. Siyempre marami ring mga OFW nandon sa mga iba’t ibang lugar sa mundo.

***

Ayon sa panayam ni Alvin Elchico sa isang abogado sa DZMM ay medyo mali ang analogy ng impeachment court at basketball game na iniba ang alitutunin sa gitna ng bakbakan . Hindi tama sabihin na parang pinapalitan ang rules sa 2nd half. 5 on 5 pa rin ang laro nguni’t ang isang team na kulang na sa lima ang player dahil sa injury o pagiging foul out ay pwede pa ituloy ang match. 5 x 4 or 3 na lang hanggang mag buzzer.

Korek naman. Walang pinalitan ang senado. 2/3 pa rin ang kailangang boto para maging guilty ang akusado pero bumaba ang denominator kaya naiba rin ang numerator. Kung 20 na lang mga dumadalo ay 14 magigimg numero para convicted ang respondent.

Ang linaw. Mga pulpol na abogado huwag nyo lituhin ang taong-bayan.