Advertisers

Advertisers

Alas Pilipinas men’s team dumating na sa Japan

0 6

Advertisers

DUMATING sa Nagoya, Japan nitong Huwebes ang men’s national volleyball team Alas Pilipinas, na pinangungunahan nina Marck Espejo at Bryan Bagunas, para sa 2026 Asian Games.

Nasa Pool D ang Team Philippines at masusubok agad ito sa kanilang unang laban kontra sa South Korea sa alas-12 ng tanghali sa Setyembre 27 sa Park Arena Komaki. Ang iba pang dalawang bansa sa grupo ay China at Chinese Taipei.

Sa 2022 edisyon ng Asian Games sa China, ang Pilipinas at pang 13 sa men’s volleyball.



Sa pagkakataong ito, ang Alas Pilipinas ay naglalayong makapasok sa ikalawang round sa tulong ng mga outside hitter na sina Espejo at Bagunas.

Ngayon na may karanasan na sa paglalaro sa FIVB World Championship kung saan nakagawa ng breakthrough ang Pilipinas matapos talunin ang Egypt, nagtutok naman ang Alas Pilipinas na gumawa ng marka sa Asian Games.



Huling nakarating ang mga Pilipino sa semifinals dito ay noong 1958 nang ang Pilipinas ay nagtapos sa ika-apat na puwesto, na siyang pinakamagandang pagtatapos nito sa Asian Games.

Noong 1962 sa Indonesia, 1966 sa Thailand, at 1974 sa Iran Games, pumwesto ang Pilipinas sa ikasiyam, ikawalo, at ikaanim, ayon sa pagkakasunod.



Sa kasamaang-palad, ang Alas Pilipinas, na nasa ika-114 na pwesto sa mundo, kailangan manalo ng hindi bababa sa dalawang laro sa group stage, dahil tanging ang nangungunang dalawang koponan sa bawat isa sa apat na pool ang makaka-advance sa quarterfinal round.

Sa harap ng matinding laban sa Pool D, kailangan ni Philippine coach Angiolino Frigoni ng Italy na magpakitang-gilas para malampasan ang mas mataas na ranggong mga koponan na South Korea (25th), China (34th) at Chinese Taipei (55th).

Bukod kina Espejo at Bagunas, puwede ring umasa si Frigoni sa outside hitter na si Jude Garcia at sa mga opposite spikers na sina Leo Ordiales at John Lirck Mendoza.

Ang mga middle blocker ng koponan ay sina Lloyd Josafat, Peng Taguibolos, at Joshua Magalaman, at ang mga playmaker naman ay sina Greg Augustus Luis Ancheta at Adi Villados.

Josh Ybañez ang libero para sa national team.