Advertisers

Advertisers

2 BABAENG IMMIGRATION OFFICERS NA NAGSABUNUTAN AT SAMPALAN SA NAIA 3, SINUSPINDE DAHIL SA ESKANDALO

0 9

Advertisers

Nilinaw ng Bureau of Immigration (BI) noong Huwebes ang insidente sa pagitan ng dalawang babaeng immigration officer na nasangkot sa isang pisikal na pagtatalo sa harap mismo ng mga pasahero noong Martes ng gabi, Setyembre 22 malapit sa immigration arrival counter ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City.



Ang dalawang parehong opisyal ay inutusan ng kanilang supervisor na magsumite ng kani-kanilang nakasulat na paliwanag tungkol sa insidente at sinabi rin na ang insidente ay personal at pribado.

Sinabi ng ilang airport insiders,”ito ay isang love triangle” na ang dalawang babaeng immigration officers ay umiibig sa isang lalaki na isa ring opisyal ng bureau na di-umano’y nagkaroon na nang
pananagutan sa isang opisyal.



Inaasahan ng BI na ang lahat ng mga tauhan nito ay magpapanatili ng propesyonalismo, wastong kagandahang-asal, at disiplina sa lahat ng oras, lalo na habang ginagampanan ang kanilang mga opisyal na tungkulin.

Nanatili ang BI sa pagtataguyod ng propesyonalismo, disiplina, at integridad sa mga tauhan nito at sa pagtiyak ng paghahatid ng mahusay at magalang na serbisyo sa publiko. (JOJO SADIWA)