Advertisers
NAGHAIN ng petisyon nitong Lunes sa Korte Suprema ang batikang election lawyer na si Romulo Macalintal kaugnay ng muling pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2026.
Sa inihaing “Petition for Certiorari and Prohibition’, kinuwesttyo ni Macalintal ang batas na pumigil para hindi matuloy ang nakatakdang BSKE sa Nobyembre 2 ng taon.
Aniya, personal na siyang pumunta sa Korte Suprema upang hilingin na agad aksiyunan ang petisyon at magsagawa ng ‘special raffle’.
Matatandaan na Macalintal din ang kumuwestyon sa unang pagpaliban sa BSKE noong 2023?, at naglabas ng ruling ang Kataas-taasang Hukuman na iligal ang pagpaliban sa BSKE na nakalahad sa Saligang Batas.
Itinakda ng Korte Suprema ang halalan ng Nobyembre 2, 2026.
Pero isinulong ng Senado, sa pamumuno ni Senador Chiz Escudero, ang muling pagpaliban sa BSKE. Ginamit ng Senador ang rason ng pagpalawig sa termino ng Barangay at SK officials, sabay ng pagtakda ng halalan sa Nobyembre 2028.
Pinirmahan ni Pangulong “Bongbong” Marcos ang bill na ito ni Escudero, kungsaan ang barangay officials ay magseserbisyo na ng limang taon at mayroong isang reelection, habang isang terminong 5 yrs lang ang SK.
Pero ang incumbent barangay officials na makakumpleto ng 10 years sa Nobyembre 2028 ay hindi na maaring tumakbo.
Ang orihinal na termino ng barangay na nakasaad sa 1987 Constitution ay 3 years, na may dalawang reelection para sa 9 years complete term.
Sa pagtakbo muli ni Macalintal sa Korte Suprema, abangan natin ang magiging ruling dito.
***
As expected, todo tanggi si Vice President Sara Duterte na kakilala niya ang dating Police Corporal na si Rodulfo Gracioso, na umano’y nag-deliver ng male-maletang salapi sa mag-aamang Duterte.
Sabi ni Sara, never niyang kilala si Gracioso, at wala siyang natanggap na mga maleta ng pera mula rito.
Si Gracioso ay dating head security ni dating House Speaker Lord Velasco noong pangulo ang ama ni Sara na si Digong. Kinumpirma ito ng pamunuanng Philippine National Police (PNP).
Si Gracioso ay natanggal sa pagkapulis kamakailan lang dahil sa mga kaso ng pang-aabuso. Nabulag din kasi ito sa kapangyarihan noong nasa kampo ni Velasco at personal pang kakilala ng mag-aamang Duterte.
Sinabi ni Gracioso na nag-deliver siya ng male-maletang pera mula kay Velasco kina Digong, Pulong at Sara.
Ipinakita pa niya ang selfie pictures nila nina Velasco at Sara. Pati ang pagkain nila ni Sara. Madalas din daw sila magkape noon nina Digong at Sara mismo sa bahay ng mga Duterte sa Davao City.
Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng NBI ang isyuing ito.
Malamang iimbestigahan din ito ng Kongreso. Subaybayan