Advertisers

Advertisers

Online gaming platform inireklamo sa NBI, ‘di nagbayad ng P433m sa winner

0 48

Advertisers

NAGPASAKLOLO sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang online gaming player matapos umanong hindi ibigay sa kanya ng sikat na online gaming platform ang mahigit P433 milyon na premyong napanalunan niya.
Nagtungo sa NBI si alyas “Bingo” kasama ang kanyang abogado.
Nanalo si alyas “Bingo” ng kabuuang halaga na P433,628,506.38 sa ultimate jackpot prize ng Lucky Spin habang naglalaro sa online platform noong Marso.
Ikinuwento ng complainant na labis siyang na-excite nang makita niyang tumama siya sa roleta at umabot sa mahigit P433 milyon ang kanyang napanalunan ngunit kalaunan ay nadismaya nang sabihin ng customer service na nagka-glitch at may maintenance ang sistema.
Ayon naman sa kanyang abogadong si Atty. Mark Angelo Roque, mayroon nang obligasyon ang platform sa sandaling manalo ang isang player.
“The moment na nanalo ka doon sa isa nilang game, pataya nila, meron na sila obligasyon, binding na ‘yun, ibigay nila kung ano ‘yung sinasabing napanalunan,” pahayag ni Atty. Roque.
Sa ngayon, patuloy pang humihingi ng pahayag sa pamunuan ng naturang online gaming platform hinggil sa isyung ito nguni’t wala pa silang pormal na sagot.