Advertisers
Ni Camille Guarin
Ibinahagi ng aktres na si Aiko Melendez at ng kanyang boyfriend na si Onemig Bondoc na pareho nang annulled ang kanilang mga naunang kasal.
Nag-guest sina Aiko at Onemig sa Fast Talk with Boy Abunda, kung saan diretsahang tinanong sila ng King of Talk na si Boy Abunda kung annulled na ang kanilang mga dating kasal.
Tanong ni Boy, “But both of you are now annulled?”
Mabilis na sagot nina Aiko at Onemig, “Yes.”
Dagdag pa ni Aiko, “I’m glad you asked that question. May we just clarify that we are both annulled.”
Saad naman ni Onemig, “Annulled na rin ako. 2021 na-annulled ’yung sa akin.”
Kuwento pa ni Aiko, “Kasi online may nagsasabi hindi raw siya annulled at hindi raw ako annulled. Annulled na po kami.”
Ani Boy, “At least ngayon klaro na ’yon.”
Saad ni Aiko, “Malaki po ang binayad namin.”
Nang tanungin ni Boy kung talagang magastos ang proseso ng annulment, sagot ni Aiko, “Yes, it is.”
Well, at least malinaw na ngayon at happy na sina Aiko at Onemig together.
***
Kasunod ng pagbubukas ng “Always Yours, Never Mine” sa mga sinehan sa Pilipinas sa darating na Miyerkules (Setyembre 30), ipapalabas din sa mga sinehan sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang kwentong tiyak na magpapaibig sa mga manonood.
Mapapanood ang reunion movie nina Joshua Garcia at Julia Barretto na mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana sa mga sinehan sa UAE, Qatar, Bahrain, Australia, at New Zealand simula Okt. 22; US, Canada, at Guam simula Okt. 23; UK at Austria simula Okt. 31; at Spain, France, at Italy simula Nob. 1.
Pangungunahan din ng JoshLia ang European special screenings at meet-and-greet sessions ng pelikula sa UK sa Genesis Cinema London sa Okt. 31, 10AM at 1PM. Magkakaroon din ng special screenings kasama ang lead stars sa Madrid, Spain sa Palacio de la Prensa Cinema sa Nob. 1, 1PM at 6PM.
Iikot ang romantic drama film na “Always Yours, Never Mine” sa kwento nina Apollo (Joshua) at Luna (Julia) na palaging pinagtatagpo ng tadhana sa loob ng tatlong dekada at binibigyan ng pagsubok sa pagpili na magdadala sa kani-kanilang landas na tatahakin at buhay na iiwan.
Inilarawan ni Joshua ang pelikula bilang napapanahong libangan, at umaasa siya na maraming manonood ang makaka-relate sa kwento at mga karakter nito.
“Feeling ko kailangan natin ito, yung mga ganitong entertainment. Kailangan nating huminga, I think ito yung hinga natin. I hope maraming maka-relate at makasabay sa characters nina Apollo at Luna,” sabi ni Joshua.
Para kay Julia, sinasalamin ng pamagat ng pelikula ang pagbibigay ng buong puso sa isang taong hindi kayang tumbasan nang lubos ang pagmamahal na natatanggap niya.
“[It’s about] your willingness to give your heart to somebody else who can’t give theirs back to you,” paglalarawan niya.
Mapapanood na ang “Always Yours, Never Mine” sa mga sinehan sa Pilipinas simula Set. 30 (Miyerkules) at sa mga sinehan sa iba’t ibang bahagi ng mundo simula Oktubre.