Advertisers

Advertisers

Gen Z, dagsa sa CinePanalo screenings

0 26

Advertisers

Ni Beth Gelena

Hindi lang giveaways kundi ang mga pelikula mismo ang pinagkakaguluhan ng moviegoers sa pagbubukas ng Puregold CinePanalo Film Festival 2026 nitong Miyerkoles, September 23, sa Gateway Cineplex.

Ayon kay Festival Director Chris Cahilig, ikinagulat nila ang dami ng mga nanood, lalo na’t halos sold out ang ilang screening kahit opening day pa lamang.



“It’s very overwhelming, maraming salamat sa Puregold dahil ang dami nilang paganap. Alam niyo bang mayroon kaming 10,000 gift packs na ipinamimigay, kasama pa ‘yung kanina, ‘yung may mga custom na canvas bags, tomorrow may bago na naman. So, abangan niyo kung ano ang pasabog ng Puregold sa linggong ito.

“Yes magaganda ‘yung pelikula, pero siyempre iba pa rin ‘yung may giveaways, pero magaganda talaga ‘yung mga pelikula. Kaya mayroon o walang giveaways people have to watch Puregold CinePanalo kasi sobrang ganda ng mga pelikula,” pagmamalaki ni Chris.



Napansin din niya ang usapan ng mga Gen Z sa X, kung saan marami ang excited manood kahit kailangan pang maghintay ng weekend dahil may finals, exams o iba pang gawain.

“Ang nakatatawa kasi on X, kita mo ‘yung usapan ng mga Gen Z natin na followers. Sabi nila sayang may finals sila o may exams sila o may gagawin sila at baka weekend pa sila manood.



“Kasi it’s the most happening thing now in Philippine Cinema, so I’m so happy, it’s happening.

“Dream namin ito na ganito kalaking crowd ang makuha namin, and it’s happening, and this is just going to be much bigger next year,” pagtatapos ni Chris.

Magaganda ang pitong mainstream movie nila like yung kina Xyriel Mananabat at River Joseph na Stuck On You kung saan isa itong romcom movie na may halong crime at ang kay John Arcilla na The Beast na sa ending ay naroroon ang twist.

Tiyak na papasok si Xyriel bilang nominasyon sa Best Actress ng Cine Panalo.