Advertisers

Advertisers

Comelec: Higit 15 katao sangkot sa pre-shaded ballots sa Bangsamoro

0 32

Advertisers

MAHIGIT 15 katao ang sangkot sa umano’y pre-shading ng mga balota noong halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Sinabi ni Comelec chairman George Garcia na ang mga mapapatunayang responsable sa pre-shading ng humigit-kumulang 16,000 balota sa Maluso, Basilan ay mahaharap sa kasong ‘electoral sabotage’ na hindi maaaring piyansahan.
Naglabas na ang komi-syon ng mga subpoena sa 16 indibidwal, kabilang ang provincial election supervisor nito at ang election officer, treasurer, at local chief executive ng Maluso. Hinihintay pa ng Comelec ang pagsusumite ng lahat ng tugon.
Tinitingnan ng Comelec na malutas ang isyu bago ang paghahain ng kandidatura para sa susunod na halalan.
Kasunod ng insidente, ha-ngad ng poll body na makuha ang kustodiya ng mga balota sa susunod na halalan. Sa ilalim ng batas, ang ingat-yaman ng lungsod o munisipyo ang hahawak sa mga balota.
Sinabi ng chairman na isang draft na panukala ang isusu-mite sa Committee on Electoral Reforms.