Advertisers

Advertisers

VP Sara, Velasco inimbitahan ng NBI sa alegasyon ng ‘cash delivery’

0 36

Advertisers

NAGPADALA ang National Bureau of Investigation (NBI) ng imbitasyon kay Vice President Sara Duterte, dating House Speaker Lord Allan Velasco at iba pang indibidwal na iniugnay ni dating police officer Rodulfo Gracioso Jr. sa kanyang alegasyon tungkol sa “cash delivery.”

Sinabi ni NBI Director Melvin Matibag, ipinadala ang mga imbitasyon sa kani-kanilang address noong Huwebes, Oktubre 1. Kabilang dito sina Sara Duterte, Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte, Velasco at asawa nitong si Rowena.

Inaasahang haharap sila sa NBI sa Lunes, Oktubre 5.



Ayon kay Gracioso, dating aide ni Velasco, personal niyang dinala ang mga maleta na puno ng pera kina Sara Duterte, Paolo Duterte at dating Pangulong Rodrigo Duterte mula 2018 hanggang 2020.

Una nang inilabas ng NBI ang resulta ng polygraph examination kay Gracioso na nagsabing “no deception indicated” kaugnay ng kanyang sinumpaang salaysay.



“So, there are still people we will invite and subpoena,” ayon kay Matibag.

Mariin naming itinanggi ni VP Sara na kilala niya si Gracioso at muling itinanggi ang mga alegasyon nito.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">