Advertisers
NASAWI ang pitong mi-nero sa gas poisoning sa tunnel portal sa Sitio Dontog, Barangay Ampucao, Itogon, Benguet noong Miyerkules, Setyembre 30.
Ito ang kinumpirma ng Provincial Government ng Mountain Province kungsaan anim sa mga nasawi ay residente ng Barangay Bana-ao, Tadian, Mountain Province, habang ang mga nalalabing biktima ay nagmula sa Caga-yan Valley.
Sa inisyal na report mula sa mga awtoridad, iniulat ng isang saksi ang hinihinalang gas poisoning incident gabi ng Miyerkules, dahilan para agad rumesponde ang mga ito at magsagawa ng retrieval operations.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad kung ano ang sanhi at sitwasyon na nakapalibot sa insidente.
Nagpaabot naman ng pa-kikiramay ang pamahalaang panlalawigan ng Mountain Province sa pamilya ng mga biktima.
“We stand in quiet solidarity and prayer with the families and the people of Tadian. The Provincial Government remains committed to providing the necessary support and assistance during this difficult time.”