Advertisers

Advertisers

P470-M China funds na iniuugnay sa asawa ni VP Sara, dapat lamang maimbestigahan — Palasyo

0 33

Advertisers

NANINIWALA ang Malakanyang na dapat imbestigahan ang umano’y halos P470 milyong pondong galing China na napunta sa mga kumpanyang iniuugnay sa asawa ni Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro, dapat kumilos ang mga kaukulang ahensya upang matukoy ang pinagmulan at tunay na layunin ng naturang pondo.

Kasunod ito ng pangamba ni dating Cong. Robert Ace Barbers na maaaring gamitin ang pera sa destabilisasyon ng gobyerno.



Ani Castro, seryosong usapin ito kung mapatutunayang may katotohanan, lalo na kung may kinalaman ang pondo sa interes ng ibang bansa.

Nauna nang inihayag ni dating Senator Antonio Trillanes III ang alegasyon na tumanggap umano ng pera mula China ang Tapang at Malasakit Foundation at isang kumpanyang iniuugnay sa asawa ng bise presidente.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">