Advertisers
PANALO ang mga taga-Paco sa Maynila dahil sila ang pokus ng humanitarian advocacy ng malaking civic organization sa bansa.
Ikakasa na bukas ang CLR 45 na pinamumunuan ni Governor Rafael Agcaoili ang kanilang makataong handog na Medical Mission and Feeding Program para sa mgà residente partikular sa may Paco Baptist Church ,San Antonio St.,Bgy.680 sa Paco,Manila.
Ang Central Luzon Region( CLG) XLV na nasa payong ng The Fraternal Order of Eagles*Philippine Eagle,Inc. na may temang ‘Service Through Strong Brotherhood’ ay patuloy all year round ang kanilang noble endeavour para sa bayan na siya namang adbokasiya ni Gov.Agcaoili mula pa nang itatag ang CLR noong 2022.
Suportado ang kaganapan ng Guardians International Brotherhood Foundation, Inc. ( HIBFI), Universal Alliance of Eagles, Inc., Raedang International Builders and Developer Corp., AESO Incorporated,Hinobaan Mujin Construction,Inc. at AITC.
Katuwang ni Gov.ang Commodores Eagles Club na pinamumunuan ni Kuya Ding Agpoon,Rider Elite Eagles Club nina Kuya Chito Dequit at Kuya Alexander Vallespin at iba pang Eagles Club under CLR 45.PUGAY!
***
CAMANGE VS DEQUITO SA NEXIS,CARZIQO PEC C’SHIP
SAKSIHAN ang klaskong encuentro ng mga biating mandirigma sa ruweda sa panibagong edisyon ng Philippine Encuentro Championship na hahataw sa susunod na buwan ng Nobyembre sa Bgy.504 ,Pasay City.
Mage-engkwentro sa 175lbs category sina James Dequito kontra John Nicole Camange sa tampok na fight night ayon kay Asian Games Doha 2006 wushu gold medalist at Sudokwan finding head Catalan.
” Tena uli sa PEC Pasay mga ka-MMA para sa panibago at eksposibong bakbakan lokal at dayo sa 504 covered court,” ani pa Catalan kasabay ng pasasalamat sa Pasay LGU at Barangay 504 officials.. Enkwentro na!