Advertisers

Advertisers

NCAP, DAPAT UNAHIN MGA PASAWAY NA PUV

0 33

Advertisers

Muling ipinatupad ang No Contact Apprehension Policy (NCAP) nitong Oktubre 5, 2026 sa mga piling lungsod sa Metro Manila matapos i-lift ng Supreme Court ang temporary restraining order (TRO) laban dito.

Ito ay ipinatutupad sa pamamagitan ng ‘camera detection’. Gamit ang high-resolution CCTVs at digital traffic cameras, awtomatiko umanong nire-record ang mga paglabag sa batas trapiko sa major intersections and thoroughfares.

Hindi na paparahin ng mga traffic enforcers ang mga motorista sa daan.



Sa halip, ang mga motorista o rehistradong may-ari ng mga sasakyang may paglabag ay padadalhan ng notice of violation (NOV) kung saan naka-detalye ang partikular na paglabag at kung magkano ang dapat bayaran, batay sa uniform matrix na itinakda sa ilalim ng Metro Manila Traffic Code of 2023.

Maaring magbayad ang motorista o di kaya ay magsampa ng protesta online sa pamamagitan ng official local government NCAP portals.



Sana lang, sakupin at mas gawing mahigpit ang pagpapatupad ng batas-trapiko sa mga pampublikong sasakyan lalo na mga bus, jeep at tricycle.

Una sa lahat, alam nating lahat na ang mga nabanggit na public utility vehicles (PUVs) ay wagas magsipag-terminal kung saan at kelan nila gusto. Ganundin sa pagsakay at pagbaba ng mga pasahero.



Kung ikaw ay nagmamaneho at biglang huminto sa daan ang PUV, wala kang choice kundi mag-overtake at sumakop ng kasunod na linya na maaring maging violation.

Napakarami ding nagte-terminal sa kanto o mismong likuan, gayung sa ilalim ng regulasyon, bawal harangan ang anim na metro ng mga likuan. Ang siste, iiwas ka sa terminal kaya mapipilitan kang mag-counterflow.

Sa mga nasabing halimbawa, malamang sa hindi ay magkaka-record ng paglabag ang kawawang motorista habang ang mga pasaway na PUV drivers ay libre lang sa anumang kaso.

Ang mga motorista ang magdurusa gayung napilitan lang silang tumahak ng ibang landas dahil sa paglabag ng mga PUV drivers na alam naman nating lahat na malakas ang loob magsipag-terminal dahil ‘timbrado’ sila sa barangay, pulis at city hall.

Ang problema, tagang-taga ang mga multa sa ilalim ng NCAP. Hindi naman lahat ng may sasakyan ay mayaman.

Palibhasa, ang mga mayor pati mga bata nila ay ‘safe’ laban sa mga tagang multa.

Bakit kaya ‘excited’ ang mga LGU na ipatupad ito? Kung ilang libong dahilan ang iniisip ninyo, ganundin ako.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.