Advertisers

Advertisers

Scam hub sa Zamboanga kasinglaki ng POGO sa Tarlac – NBI

0 31

Advertisers

NASAGIP ng mga awtoridad ang mahigit 230 scam hub workers sa iba’t ibang operasyon.
Kabilang sa mga nasagip ang mga manggagawa sa nadiskubreng scam hub sa Zamboanga Sibugay.
Mahigit 50 umano’y biktima ng human trafficking din ang dumating sa headquarters ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Pasay City noong Miyerkules, Oktubre 7.
Karamihan sa mga ito ay mga Chinese na lumipad patungong Manila matapos masagip sa mga bayan ng Siay at Alicia sa Zamboanga Sibugay noong nakaraang linggo.
Inaresto rin ang ilang Chinese nationals na nagsisilbing lider.
Inaresto rin ang ilang security guards dahil sa pagdadala ng iligal na armas.
Sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na ang nadiskubreng scam hub sa Zamboanga Sibugay ay kasinlaki ng Philippine offshore gaming operator (POGO) hub sa Tarlac.
“Parehas na malaki ang operation, complex ito, tapos ganun din, mayroon mga subject ng abuses, human trafficking, so ang isa nalang na ingredient na tinitingnan natin dito ang involvement ng government officials, especially yung mga local government units natin. May pananakit na na-establish, ano,” ani Matibag.
Nakumpiska rin ang mga cellphone sa naturang operasyon.